top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sina Aga at Cesar? MIKEE, BINASTED ANG 2 SIKAT NA AKTOR NA NAG-AWAY DAHIL SA KANYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 8, 2022



Sa guesting ni Mikee Cojuangco-Jaworski sa vlog ni Pia Arcangel, rebelasyon ang kanyang pag-amin na dalawng sikat na aktor ang nanligaw sa kanya noong pumasok siya sa showbiz. Nag-away pa nga raw ang dalawang aktor na sabay na nagparamdam sa kanya.


Hindi na pinangalanan ni Mikee kung sino ang dalawang aktor. Pero, alam sa showbiz na sina Aga Muhlach at Cesar Montano ang inili-link sa kanya noon.


Taong 1990 hanggang 2000 nang pasukin ni Mikee Cojuangco ang showbiz. Nakagawa siya ng siyam na pelikula.


Noong 1999 ay nagpakasal siya sa basketball player at vice-mayor ng Pasig na si Dudot Jaworski at nagkaroon sila ng tatlong anak.


Sa interview ni Pia Arcangel kay Mikee, naitanong niya kung ano ang ginawa ng huli sa dalawang makulit na aktor na nanligaw sa kanya noon.


Well, kuwento ni Mikee, nagda-dubbing siya noon para sa isang movie na ginawa niya.


Sabay na dumating-dumalaw ang dalawang aktor kaya diretsahan niyang pinagsabihan ang mga ito na nakakaistorbo sila sa kanyang trabaho at wala siyang gusto o pipiliin sinuman sa kanilang dalawa!


'Yun ang dahilan kaya hindi na nagpakita ang dalawang aktor sa kanya.


Ang taray!!! Hindi nga pumasa kay Mikee Cojuangco ang dalawang sikat na aktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page