top of page
Search
  • BULGAR

Simpleng-simple pero… T-SHIRT, PANTS AT CAP NI MARIAN SA TIKTOK, MAHIGIT P19 K

ni Nitz Miralles @Bida | August 14, 2023



Hinanap at napresyuhan ng Preview ang suot ni Marian Rivera sa kanyang first hit TikTok dance video. Kung titingnan, simple lang ang ayos ni Marian sa nasabing video dahil naka-white t-shirt, sweatpants at may suot pang cap, pero mamahalin pala ang mga suot ng aktres.


Ang Self Love Club Hat cap ay worth P4,050, ang NY Health Club T-shirt ay P4,050.00, at ang sweatpants ay worth P11,100. Galing sa Sporty & Rich ang suot ni Marian sa kanyang TikTok dance entry.


Isa pang pinansin ng mga fans sa first TikTok ni Marian ay wala siyang makeup at simple lang ang mga dance moves niya, puwedeng gayahin, pati na rin ang music na ginamit ni Marian, ang Price Tag song ni Jessie J.


Actually, ang inire-request ng mga fans ni Marian na gawin niya for her next TikTok dance video ay ang theme song ng Marimar.


Anyway, ang latest update sa TikTok ni Marian at habang kami ay nagde-deadline ay 52 million views, 6.9 million likes, 322.5K favorites at 101.5K posts.


Isinelebreyt pala ang birthday ni Marian sa taping ng Against All Odds at sa video, makikitang kumpleto ang cast at kinantahan siya ng birthday song sa pangunguna ni Director Zig Dulay.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page