Simpleng baha nga ay walang solusyon, sa COVID pa kaya?
ni Ka Ambo - @Bistado | July 23, 2021
Laganap ang baha.
Simpleng baha nga ay walang solusyon, sa COVID pa kaya?
Ekonomiya pa kaya?
◘◘◘
PINANONOOD lang ng mga LGUs ang baha sa kanilang paligid.
Linsiyak!
◘◘◘
AYON sa Korte Suprema, hindi matatakasan ni P-Digong ang pananagutan sa International Criminal Court.
Siyempre!
◘◘◘
ANG ICC ay binuo upang protektahan ang ordinaryong mamamayan laban sa abusadong lider ng bansa.
By hook or by crook, kailangan maging kakampi ni P-Digong ang mauupo sa Malacañang sa 2022!
◘◘◘
PAANO kaya kung kalaban ni P-Digong ang pumalit sa kanya sa Malacañang?
Matulad kaya siya kay Erap kahit naka-wheelchair ay nakulong?
Matulad kaya siya kay ex-PGMA na kahit naka-brace ang leeg ay kinalaboso?
Nauulit lang palagi ang kasaysayan, wala naman talagang bago!
◘◘◘
PLURAL votes lang ang nagluklok kay P-Digong.
Hindi mayorya ng botante ang naghalal sa kanya!
◘◘◘
PINAKAMAHUSAY ay si ex-P-FVR, kahit maraming pag-aari ng bansa ang ibinenta, tumatanda nang walang demanda.
Masuwerte rin ang nasirang P-Noy, walang kaso nang mamaalam sa mundo!
◘◘◘
DALAWANG pangkat na ang nagbuo ng “senatorial lineup”.
Marami ay common candidate.
Panantiya lang ‘yan sa publiko—hindi final!
◘◘◘
PORMAL nang nagdeklara ng kandidatura sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
May badyet sila, saan kaya galing?
◘◘◘
KWIDAW lang tayo, may bulto ng dolyares ang biglang nagpayanig sa “foreign exchange” transaction noong isang araw.
Biglang bumagsak sa P42 ang palitan kada dolyar, pero ilang oras lang—bumalik ito sa normal na P50 kada dolyar.
May nagpasok ng “isang barkong dolyares” sa Pilipinas?
Campaign fund na kaya ‘yan sa 2022?
◘◘◘
DARATING sa Maynila ang defense secretary ng US.
Pag-uusapan daw ang isyu sa West Philippine Sea.
Lihim din kayang agenda ang mamanukin nila sa 2022?
◘◘◘
SINASABING ngayong Agosto na magdedeklara ang ilang presidentiables.
Nauna na si Lacson.
Maka-U.S. siya o maka-China?
◘◘◘
INIIMBESTIGAHAN na ng Bangko Sentral kung bakit may naglabas ng datos sa P42 kada dolyar na palitan noong Hulyo 20, gayung Holiday ito at walang official transactions.
Sinusuri kung nagkaroon ng “error” ang kompiyuter o may nagpasok sa Pilipinas ng multi-bilyong dolyares!
◘◘◘
PAANO kaya kung matuklasan ng BSP na ang bulto ng dolyar ay gagamitin sa 2022 election at ipinasok ito nang maaga upang hindi mabisto.
Maselan ‘yan.
Kailangan ay mag-imbestiga si Sherlock Holmes!
◘◘◘
TAMEME si P-Digong at Malacañang sa naturang “error” sa dollars.
Maaaring ‘yan na mismo ang kanilang kinatatakutan!
◘◘◘
KUNG may nagpasok ng gayung kalaking bulto ng dolyar, bakit hindi nagdaan sa Bangko Sentral pero nasagap sa “internet”?
Kung may error, bakit walang nagpapaliwanag.
Ibig sabihin, puwedeng masabotahe ang “foreign exchange” sa gitna ng pandemic.
Sa tingin natin, “national security concern” ito!
◘◘◘
BAKIT walang nagsusulong ng Senate hearing o Congressional hearing sa naturang insidente?
Dapat matukoy kung ito ay simpleng technical error, foreign intervention o simpleng fake news!
◘◘◘
ANO ang kinalaman ng naturang “dollar issue” sa pandemic, COVID, West Philippine Sea at 2022 election?
Kapag P42 kada dolyar ang palitan, milyon milyong piso ang mawawala sa 10 milyong overseas Pinoy.
Guguho rin ang ekonomiya dahil ang gulugod ng bansa ay nakasandal sa dollar remittances!





Comments