top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Simple lang daw ang gusto… ELISSE, UMAMING NAPAG-UUSAPAN NA NILA NI MCCOY ANG KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 22, 2023
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 22, 2023


Eksklusibo naming nakapanayam si Elisse Joson sa finale mediacon ng tinututukan na Kapamilya teleserye gabi-gabi, ang Dirty Linen.


Siya si Sophie na dating karelasyon ni Zanjoe Marudo sa Dirty Linen. Most of her scenes sa serye ay halos kasama rin niya ang buong cast members gaya nina Janine Gutierrez, John Arcilla, Janice de Belen at Tessie Tomas.


Kaya naman, ganoon na lang ang excitement ni Elisse na makasama muli ang buong cast ng Dirty Linen sa finale mediacon.


“Ngayong nagkita-kita po lahat ng cast members, parang nakaka-miss po talaga ang taping namin for Dirty Linen. Kasi, iba rin po talaga ‘yung energy na naibibigay ng lahat kapag sama-sama.


‘Yung professionalism, ‘yung dedication sa work, nakaka-miss po ‘yung cast,” pahayag ni Elisse.


Sa naturang mediacon ay pinag-usapan din ang OOTD ni Elisse, especially her powder blue Lady Dior bag worth P340,000. Tinernuhan niya ito ng kanyang blue gray knitted strapless column dress at ang makislap na diamond tennis bracelet and necklace.


Kaya kung susumahin, aabot sa P1M ang suot niya that day.


Isa si Elisse sa mga “pinagpala” among Kapamilya stars na sunud-sunod ang proyekto.


Hindi pa man tapos ang Dirty Linen ay may kasunod agad siyang serye sa ABS-CBN and Dreamscape Entertainment, ang teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso.


“Yes po, umeere po siya ngayon. ‘Yun naman ang bagong yugto sa aking career,” masaya niyang sabi.


Tinanong namin si Elisse kung naisip ba niya na subukang tumanggap ng mas seksi na role sa pelikula.


Sagot ni Elisse, “Uh, parang hindi naman. Hahaha! Siguro po, uhm, darating tayo d’yan kapag...


kung ano ‘yung ibigay din. Kung babagay naman, why not?”

So, open siya?


“Puwede naman po. Pero depende po sa materyal kung ano ang kailangan sa pagiging daring.


“Siyempre, hindi naman ‘yung basta magpakita lang ng katawan, or kissing scene. Hindi naman ganoon ‘yun.


“Kissing scene? Basta po kailangan sa eksena, gagawin po natin ‘yun,” tugon pa niya.


What about sa love scenes?


“Ayy! Pag-usapan po natin ‘yan ‘pag nandoon na tayo. Hahaha!”


Ipagpapaalam ba niya muna ito kay McCoy de Leon o puwedeng kahit siya na lang ang magdesisyon?


“Siyempre po, ngayon dapat pinag-uusapan ‘yan between us. Pero hindi naman kami ‘yung tipong pipigilan namin ang isa’t isa sa mga bagay-bagay.”


Kung bonggacious ang takbo ng career ni Elisse ngayon, ‘di naman nagpapahuli si McCoy sa kanya. Markadung-markado ang role ni McCoy sa Batang Quiapo bilang kapatid ng bida na si Coco Martin.


“Pinagkukuwentuhan namin kapag magkasama kami. Kumbaga, paano namin gagawin ‘yung eksena. Nakaka-proud lang din po kasi sa tingin namin, ang layo na rin namin. I mean, kami, coming from magkalabtim kami, sweet-sweet lang, tapos, ‘eto na kami ngayon,” ani Elisse.


Isa sa mga kinakikiligan din na showbiz couple sina Elisse at McCoy. Kaya marami ang nag-aabang kung kailan na sila magpapakasal, lalo pa’t sunud-sunod ang mga celebrity weddings ngayon.


“Uh, siguro, nasa tamang panahon po. Napapag-usapan naman po. Pero ‘yung definite kung kailan, wala pa po ‘yun.”



Inamin naman ni Elisse na napag-uusapan na nila ni McCoy ang ilang details just in case na magpakasal na sila.


“Meron po. Siyempre,” say ni Elisse with matching pagkatamis-tamis na ngiti.


“Beach wedding? Ako po, gusto ko simple lang. It doesn’t matter where or kung ano’ng nandiyan, ano’ng decorations. Basta, simple lang po at mga mahal namin sa buhay, (ay) payapa.”


Anyway, huwag palampasin ang pasabog na finale ng Dirty Linen sa Agosto 25 (Biyernes) nang 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.


I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TV plus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episodes ng Dirty Linen. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page