Simmers at Medina champs sa Siargao World Surf League

by MC @Sports News | November 4, 2026

Photo: Circulated
Nasungkit nina Caitlin Simmers at Gabriel Medina ang titulo ng kababaihan at kalalakihan, sa kauna-unahang World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro sa Cloud 9 sa Siargao Island kahapon.
Tinalo ni Simmers, ang Amerikanang world No. 6 si Isabella Nichols ng Australia, 12.00-10.77, sa women's final upang maging unang women's champion sa Philippine leg.
Nakarating si Nichols sa final matapos talunin ang kapwa Australyano na si Tyler Wright sa isa pang semifinal ngunit nabigo laban kay Simmers sa title match. Ang prestihiyosong kompetisyon ay inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa men's final, tinalo ng Brazilian world No. 4 na si Gabriel Medina ang Australian na si Jack Robinson upang makuha ang unang korona sa men's na nagtapos na may 16.93 puntos.
Bago makarating sa final, tinalo ni Medina ang world No. 1 na si Yago Dora sa semifinals. Sina Medina at Simmers ay tatanggap ng tig-US$80,000, habang ang mga runner-up na sina Jack Robinson at Isabella Nichols ay may tig-US$40,000.
Sina Yago Dora, Ethan Ewing, Carissa Moore at Tyler Wright na pumangatlo sa kani-kanilang dibisyon ay magbubulsa ng tig-US$20,000.
Samantala, ang mga Filipinong bet na sina John Mark “Marama” Tokong at Jayuard Alciso ay tatanggap ng tig-US$14,000, habang si Noah Arkfeld ay mag-uuwi ng US$13,000. Samantala, ang batang Filipina surfer na si Mara Lopez ay tatanggap ng US$13,500.





Comments