top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg
Search

by Sarah Muñoz-(OJT) @Sports News | July 15, 2026



6th SEA Volleyball Cup 2026 - Candon City Official

Photo: Proud na itinaas ni PSC Chairman John Patrick Gregorio ang kamay ni John Mark Tokong-ang pambato ng bansa sa world surfing sa idinaos na press conference kahapon ng WSL World Surf League Championship 2026 sa RMSC na idaraos sa Cloud 9, Siargao mula Okt. 31-Nob. 10. (Reymundo Nillama)



Nakatakdang maging sentro ng world surfing ang Cloud 9 sa Siargao matapos ihayag na dito gaganapin ang kauna-unahang World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro sa bansa mula Okt. 31-Nob. 10, 2026. 


Ang torneo ay magsisilbing ika-11 leg ng 2026 WSL Championship Tour kung saan sasabak ang ilan sa pinakamahuhusay na surfers sa mundo sa kilalang alon ng Siargao. 


Ayon kina PSC Chairman John Patrick Gregorio, Andrew Stark, President World Surfing League Asia Pacific, Gisella Marie Romualdez Quisumbing Asst. Secretary, Dept of Tourism at event ambassador William Vincent Araneta, inaasahang daragsa sa isla ang mga atleta, media personnel, surfing enthusiasts at mga turista mula sa iba't ibang bansa para sa prestihiyosong kompetisyon. 


Anila, malaking tulong ang pagho-host ng torneo sa pagpapalakas ng sports tourism at ekonomiya ng Siargao. Anila hindi lamang surfing competition ang hatid ng WSL kundi pagkakataon din upang maipakita sa buong mundo ang kagandahan ng Siargao at ang kakayahan ng Pilipinas sa pagdaraos ng international sporting events. 


Inanunsiyo rin sa media launch na may dalawang-taong partnership ang WSL at Pilipinas para sa pagdaraos ng torneo sa bansa. Ang Cloud 9 sa Siargao ay matagal nang kinikilala bilang isa sa mga pangunahing surfing destinations sa mundo at sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging bahagi na ito ng opisyal na Championship Tour calendar ng WSL. (


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021



Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 12-storey residential building sa Surfside, Florida habang 117 pa ang nawawala, ayon sa awtoridad.


Noong Linggo nang gabi, pansamantalang itinigil ang paghahanap sa mga biktima upang ma-demolish na ang natitirang bahagi ng gusali na nakatayo pa. Ipinag-utos ng mga opisyal na tuluyan na itong i-demolish dahil hindi na ito matibay at maaaring makapagdulot umano ng panganib sa mga rescue crews.


Ayon din kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, nakatulong din ang tuluyang pag-demolish sa gusali dahil nu’ng nakatayo pa ang ibang bahagi nito ay limitado lamang ang kilos ng mga rescue teams.


Lahat ng natatagpuang biktima ay wala nang buhay ngunit umaasa pa rin ang awtoridad na mayroon pang natitirang survivors sa naganap na trahedya.


Saad pa ni Cava, "We are looking for voids where someone may be inside.


"We worked very hard to bring the building down to get access to the pile where we hope there are voids that allow us to continue the search and rescue operations.”


Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagguho ng gusali at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page