top of page
Andrea Brillantes - IGjpg.jpg

PVL: Deloria inangat ang Towers sa unang panalo, Chargers lobat

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 4, 2026



Todo-bigay sa pag spike si Mareophe Sharma ng Akari Chargers habang sinabayan naman sa depensa ng katunggaling si Roselle Baliton ng Galeries Tower Highrisers sa Premier Volleyball League All Filipino Conference Siklab Series sa Araneta Coliseum kahapon. Tinalo ng Highrisers sa 5 sets ang Chargers

Photo: Todo-bigay sa pag spike si Mareophe Sharma ng Akari Chargers habang sinabayan naman sa depensa ng katunggaling si Roselle Baliton ng Galeries Tower Highrisers sa Premier Volleyball League All Filipino Conference Siklab Series sa Araneta Coliseum kahapon. Tinalo ng Highrisers sa 5 sets ang Chargers 25 - 22, 26 - 24, 23 - 25, 15 - 25, 15 - 10. (Reymundo Nillama)


  

Mga laro bukas (Huwebes)

(Philsports Arena)

1 pm – Zus Coffee vs Farm Fresh

6 pm – PLDT vs Creamline 



Naitatag ng Galeries Tower Highrisers ang kauna-unahang panalo matapos ang dikdikang laban kontra Akari Chargers upang mapanatili ang nakuhang unang dalawang set tungo sa 25-22, 26-24, 23-25, 15-25, 15-10 sa pambungad na hatawan sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.


Nanatiling pinanghawakan ang panalo sa unang dalawang set na bentahe, bagamat sumubok  ng reverse sweep ang Akari na pinagtrabahuhan nang husto nina Erika Deloria, Jean Asis, at unang panalo sa liga ni top overall pick Camila Lamina.


“Motivation namin na walang aayaw na laban lang namin hanggang dulo, so nag-react naman sila doon, pero bandang dulo kung maaga sana naming nakuha mas maganda sana yung resulta noon, pero same pa rin, a win is a win,” pahayag ni Galeries head coach Clarence Esteban sa post press conference.


Umiskor ang 25-anyos na tubong Bacolod City na si Deloria ng double-double kabilang ang team high 20 puntos. Nasayang naman  ang 24 puntos para sa Akari si Player of the Week Eli Soyud.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page