top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sila raw ang may 'K'… TVJ, MAGSE-CELEBRATE NG 44 YRS. NG EAT BULAGA SA E.A.T.!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 13, 2023




Alam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na may gagawing celebration ang Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc. sa July 29 para sa 44th anniversary ng nasabing longest-running noontime show.


Talagang paghahandaan ng mga bagong hosts ng EB! na sina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ang malaking event na ito.


Kaya naman, bonggang-bongga ang mga segments ngayon sa nasabing noontime show.


Pero ayon kay Tito Sen, may sarili ring selebrasyon na gagawin ang TVJ at mga Dabarkads para sa ika-44 na anibersaryo ng EB! dahil sila raw ang mga original hosts na naging bahagi ng nasabing longest-running noontime show sa loob ng apat na dekada.


In fact, sila nga raw ang may karapatan na mag-celebrate ng 44th anniversary ng EB! at hindi ang mga baguhan o kung sinu-sino lang. Kaya’t sa kanilang programang E.A.T. sa TV5 na lang nila gagawin ang naturang celebration sa darating na July 29, Sabado.


Marami raw silang inihandang pasabog para sa kanilang mga loyal viewers. Tiyak na malalaking celebrities ang mga darating at makikiisa sa espesyal na selebrasyon ng TVJ at mga Dabarkads. Walang duda na aabangan ‘yun ng lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page