top of page

Sila pa raw, padir ng anak, may ibang girl na…KINUMPIRMA NI TRINA: CARLO AT CHARLIE, MAGDYOWA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2023
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 16, 2023



Finally ay lumantad na at nagpainterbyu kay kapatid na Ogie Diaz para sa kanyang Showbiz Update vlog ang non-showbiz ex-live-in partner at nanay ng anak ni Carlo Aquino na si Trina Candaza.


Wala raw talaga sanang balak magsalita si Trina kahit marami ang gustong mag-interbyu sa kanya dahil pinoprotektahan pa rin niya ang baby nila ni Carlo at nag-aalala siya sa maaaring mapanood nito sa naturang interview kapag lumaki na ang bagets.


Pero dahil na-hurt at sabi nga ni Trina, "I feel offended" sa sinabi ni Carlo sa nakaraang interview nito na matagal na niyang hindi nakikita ang anak at ayaw ipakita sa kanya ng nanay ng bata, nagsalita na nga si Trina para linawin ang isyu nila ng aktor.


Bagama't sinabi ni Trina na nagsusustento naman si Carlo, hindi raw sapat ito kaya kailangan niya pa ring kumayod bilang single mom, kahit pa sabihing siya rin ang hands-on sa pag-aalaga sa anak nilang si Mithi.


Nilinaw din niyang hindi niya ipinagdadamot ang anak kay Carlo. It's just that ang aktor lang daw ang hindi dumadalaw sa kanila kahit alam naman nito kung saan sila puwedeng puntahan.


In fact nga raw, nu'ng Pasko, kahit inimbitahan naman si Carlo ng partner ng kapatid ni Trina, mas pinili raw ng aktor na makasama ang rumored GF nitong si Charlie Dizon sa La Union (na una na rin namang inamin ni Carlo sa kanyang interview kamakailan).


At ang kondisyon lang daw ni Trina kay Carlo, kung sakaling kukunin nito ang bata, sana ay hindi mahati ang oras ng aktor sa iba. Kumbaga, kung bonding moment dapat nila ng anak, 'wag isabay sa bonding moment sa new girl nito o sa mga kaibigan.


Ayaw din daw kasi ni Trina na paiba-ibang partner ni Carlo ang makilala ng anak, kaya kung sakali raw na magpapakasal na ang ex niya, 'yung girl na lang na 'yun ang ipakilala ni Carlo kay Mithi para hindi maguluhan ang bata.


Inamin din ni Trina na mahal pa rin niya si Carlo, pero hindi na raw niya nakikitang magwo-work pa ang relationship nila na nag-umpisang masira nu'ng mga huling buwan ng year 2021 pa.


December 2021 daw na paghihiwalay ng taon ay naghiwalay na rin sila ni Carlo.


Rebelasyon din ang sinabi ni Trina na sila pa ni Carlo ay na-feel na niyang may nag-iba na sa tatay ng anak, bagama't hindi naman niya pinangalanan ang girl na nakutuban niyang bago ng aktor.


But to be fair din naman with Carlo, inamin din ni Trina na naging toxic din siyang karelasyon nu'ng magkaanak sila, pero mahirap naman daw kasing ibaon na lang ang pain lalo't may naging lamat na nga.


Sa sinabi naman ni Ogie Diaz na base sa isang interview ni Carlo, nakakita siya ng 'positivity' sa bagong girl na apple of the eye niya ngayon na si Charlie Dizon na nga, nakumpirma sa sagot ni Trina na 'magdyowa' na nga sina Carlo at Charlie.


Ang dialogue kasi ni Trina Candaza, "Du'n, Mama Ogs, parang wala na ako sa position para magsalita about that kasi it's their RELATIONSHIP. And siguro, puwede lang akong makapagbigay ng opinyon ko kapag magiging nanay na siya ni Mithi."


Oh, so alam na, guys!


Ang masasabi lang namin, sa mga namba-bash kay Trina at nakikisawsaw sa isyu nila ni Carlo na below the belt na ang banat sa ex ng aktor, sana'y magkaroon naman sila ng puso, hindi na para sa ex-magdyowa kundi para sa batang si Mithi na higit na maaapektuhan sa mga harsh comments nila.


Tama ang sinabi ni Trina na ang lalaki, magbigay lang ng isang buwang sustento ay mabuting ama na ang imahe, pero ang ina, ibinigay mo na ang lahat, isang wrong move lang, wala ka na agad kuwenta at mahuhusgahan ka na.


'Di joke ang maging single mom, sa totoo lang!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page