top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sikreto ni Hipon Girl, nabuking… HERLENE, AMINADONG TAMAD MALIGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 9, 2022



Bagama’t nag-level-up na ang stature ni Herlene Nicole Budol at isa na nga siyang beauty queen ngayon, never daw niyang tatanggalin ang nauna nang ibinansag sa kanyang “Hipon Girl.”


Matatandaang hinirang na First Runner-Up si Herlene sa Bb. Pilipinas 2022 coronation night noong Hulyo at kahit nga napatunayan na niyang hindi siya isang “babaeng hipon” na ang ibig sabihin ay sexy lang pero walang laman ang utak, tinatanaw pa rin niyang malaking utang na loob na sa bansag na ito siya unang nakilala ng mga tao.


“Hindi ko iwawala sa buong buhay ko ang pagiging Hipon Girl. 'Pag nagpapakilala nga ako, eh, kahit maghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene Hipon Budol po ang sasabihin ko,” pahayag ni Herlene sa ginanap na media launch niya bilang endorser ng Rejuviant Premium Cocoberry Body Wash at Premium Cocoberry Instaglow Lotion.


“Hindi ko siya wawalain, kasi, du’n ako, eh, du’n ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, mas iniaangat ng Panginoong Maykapal,” sey pa niya.


'Kaaliw nga ang kuwento niya na nagsasawa na raw siya sa pagkaing hipon dahil kahit saan siya magpunta ay parating ito ang inihahain sa kanya.


“Dati, favorite ko na 'yun, eh. Wala, eh! Ikaw ba naman, since 2018, lahat ng pinupuntahan ko, ipinapakain sa akin lagi, hipon.


“Lahat ng klase. Kaya siguro ngayon, isa-isa na lang, ganyan. Dati, patay-gutom ako sa ganyan, eh,” sey ni Hipon Girl at nagtawanan ang lahat.


Samantala, super happy ang beauty queen-comedienne sa mga blessings na dumarating sa kanya kabilang na nga itong latest endorsement niya na Rejuviant na pag-aari ng pamilya ni Chique Ballon (CEO).


Pero bago raw siya pumayag talaga ay sinubukan muna niya ang mga produkto ng Rejuviant at napatunayan naman daw niyang talagang effective ang mga ito.


Aminado rin ang dalaga na palibhasa nga ay mahirap lang sila dati, can’t afford siya sa mga lotion at iba pang skin care products. Natawa nga ang lahat nang sabihin niyang dati raw ay bihira pa siyang maligo.


“Dati talaga, hindi ko feel maligo. 'Di ba kasi, lalo na ngayon, may bagyu-bagyo,” sey niya.


Nang makita niyang nagtawanan lahat, bonggang sita niya, “Naku, tigil-tigilan n’yo ‘ko, tawa-tawa kayo d'yan, kayo rin, 'pag naulan na, ‘Ay, perfect, walang ligo.’


“Nag-iinit pa ako ng tubig 'pag may emergency na lakad,” tsika pa niya.


Nang tanungin nga kung bakit sa tingin niya, siya ang napiling maging endorser ng nasabing skin care products, natatawang sabi ng dalaga, “Siguro, nakita nila ‘yung mga tuhod ko, dugyot.”


Ayon naman sa CEO ng Rejuviant na si Madam Chique, napili niya si Herlene bilang additional brand ambassador aside from Jessy Mendiola dahil perfect daw ito para maging endorser ng products nila.


“Down to earth po siya. Nasubaybayan po namin siya noong Hipon pa lang siya, ngayon, beauty queen na siya. Perfect na perfect siya. Bago lang po kami sa skin care industry and then, ang goal po namin ay makilala rin internationally,” pahayag ni Madam Chique.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page