Siklab Pilipinas, silver sa Netball South Korea
- BULGAR
- Aug 17, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | August 17, 2022

Nagkamit ng pilak na medalya ang Philippine National Netball team sa nagdaang 2022 Jeonju International Netball event sa South Korea.
Binubuo ang team ng ilang mga manlalaro ng volleyball at basketball teams sa bansa nang unang itatag ang koponan bilang national players. Ang Netball Philippines ay binuo at inorganisa ang national team para unang sumagupa sa training camp sa Netball Singapore noong Disyembre 2014.
Pinasalamatan ng team si PSC Commissioner/ OIC Bong Coo nang mag-courtesy call sa Philippine Sports Commission noong Lunes, higit lalo sina
PNFI President Atty. Charlie Ho at coaches Angeline Fedillaga at Teresa Angeline Gallegos.
Ang national netball team ay unang sumabak sa international debut noong 2015 SEA Games. Bago iyon, unang nag-alok ang Netball Singapore sa Pilipinas na magbuo ng netball team noong 2015 matapos ang pagbisita sa Netball Asia, 2014.
Nagpamalas ng sigasig ang Siklab noong 2015 SEAG sa Singapore, ang una nilang torneo bagamat natalo sa Thailand 22–62 sa opener noong Mayo 31, 2015. Ginapi rin sa 112–11 mula sa mga kamay ng national team ng Malaysia noong Hunyo 1. Tinalo ng Myanmar, 62–22.
Ganap nang pinahintulutan ng Philippine Sports Commission ang Siklab noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa kabila ng nakadidismayang performance ng nakaraang edisyon. Inirason ng handlers ng national team sa PSC na isa pa lamang sila "developmental team."








Comments