top of page
Search
  • BULGAR

SIKAT NA TISOY NA AKTOR, TAGILID MAG-OBER DA BAKOD DAHIL SA NAKAKASILAW NA OFFER

ni Vinia Vivar @Frankly|November 8, 2023


BLIND ITEM:


Gaano kaya katotoo ang kumakalat na tsika na kung hindi mapipigilan, malamang na lumipat ang isang super-sikat na aktor sa isang malaking media company?


Ang aktor na ito ay hot property ng network at nakakasilaw daw ang malaking offer sa kanya ng isang malaking media company.


Bagama’t mayaman na ang super-sikat na aktor, posible raw na masilaw siya lalo pa nga’t maganda ang iniaalok na proyekto sa kanya.


Tiyak na pag-uusapan daw at tatatak sa kanya ang serye at role na gagawin.


Kung utang na loob ang paiiralin niya, hindi niya iiwanan ang network na kinabibilangan niya. Ito kasi ang nagpasikat sa kanya.


Balita pang matatapos na ang kontrata ng aktor sa network at talent agency na nagpasikat sa kanya.


Dapat daw sigurong bigyan ng mas bongga at malalim na serye ang tisoy na aktor para hindi na siya magdalawang-isip na mag-ober-da-bakod.


Ang mga pelikula raw kasing ginagawa nito ay talagang magaganda at kumikita, na kabaligtaran naman sa mga TV series niya na so-so lang ang dating.


Hindi umano umaangkop sa estado ng career niya ang role na ginagawa niya sa mga seryeng ibinibigay sa kanya. Mabait daw kasi ang aktor at puro yes na lang siya sa management.


Sana raw ay bigyan siya ng tamang project. Pagalawin ng network ang creative team nila para makaisip ng swak na project at challenging para sa sikat na aktor.


Sana raw ay magkaroon din siya ng serye na trending at pag-uusapan gaya ng huling serye ni Dingdong Dantes na Royal Blood at Unbreak My Heart ni Joshua Garcia or Linlang at iba pa.


Sayang daw ang kasikatan at talent ng aktor kung hindi mabibigyan ng tamang project. Mahal naman siya ng masa dahil kumikita ang mga pelikula niya. May box office appeal.


Bonggang materyales lang siguro ang kulang sa mga serye niya. Baka kung maipapangako ‘yan sa aktor ay mananatili ang loyalty niya sa giant network.


Sino ang aktor? Well…


Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page