MAEBY LOVE TEAM NINA RYZZA MAE AT BIMBY, STOP NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 11, 2026

Photo: Ryzza Mae Dizon at Bimby - TVJ Eat Bulaga
Tiyak na ikalulungkot ng maraming fans na posibleng out na sa Eat… Bulaga! (EB!) si Bimby Aquino-Yap.
Hindi na nga kasi napapanood sa show ang tambalang MaeBy (Ryzza Mae Dizon at Bimby). May mga bagay daw na dapat unahin ang anak ni Kris Aquino, tulad ng mga endorsements na ang ilan ay kasama ang ina.
Noong una, ang sabi lang ay naka-sick leave si Bimby kaya hindi na napapanood sa EB!.
Pero ayon sa direktor ng EB! na si Ice Seguerra, wala siyang tiyak na impormasyon tungkol sa kasalukuyang ginagawa nito.
Aniya, “Alam mo, ‘di ko alam (kung ano na ang nangyari). The last time I was there, parang si Bimby wasn’t there. I think he’s focusing on something. Wala lang akong idea. I don’t ask.”
Nang matanong naman kung ano ang pakiramdam niya sa posibilidad na hindi muna magpatuloy ang tambalan nina Bimby at Ryzza Mae, inamin ni Ice na nakapanghihinayang ito.
Sey pa niya, “I can’t really speak for them but siguro naman, kung mapagbibigyan muli ng tadhana, why not? Of course, nasa oras din. Nasa tamang panahon.”
Gayunman, kahit labis ding nanghihinayang ang mga hosts ng EB! sa pagkawala ni Bimby sa noontime show, tuloy pa rin ang paghahatid nila ng saya. Mami-miss nila ang kilig ng tambalang MaeBy na tinanggap ng marami.
Movie, mauunang ipalabas…
MARIAN AT DINGDONG, ATRAS TAPATAN SINA VICE AT BOSSING VIC SA MMFF
NGAYONG darating na November, ipapalabas ang pelikulang Remember na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Sadyang hindi nila ito ipinasok na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 sa December kaya hindi nito tatapatan ang movie nina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda.
Nakatakdang i-promote nina Marian at Dingdong ang Remember abroad, kasabay na rin ng kanilang bakasyon kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto.
Well, kahit gaano pa kaabala ang mag-asawa sa kanilang showbiz career ay naglalaan sila ng panahon para mag-bonding kasama ang kanilang mga anak.
Samantala, inamin ni Marian na medyo kabado rin sila ni Dingdong. Mataas kasi ang expectation ng moviegoers na nagsasabing mapapantayan ng Remember ang box office success noon ng pelikula nilang Rewind.
Pero pampamilya ang tema ng Remember, kaya tiyak na magugustuhan din ito ng mga Pinoy.
Bukod sa pelikula, may bago ring serye si Marian sa Prime Video, ang Behind Closed Doors kung saan gaganap siya bilang isang news reporter.
DALAWANG linggo ang selebrasyon para sa 31st anniversary ng longest-running gag show na Bubble Gang (BG).
Dalawang special episodes ang inihahanda ni Michael V. sa tulong ng buong cast at staff ng show.
Maraming viewers ang nagre-request na i-guest sa anniversary ang mga artistang dating naging bahagi ng gag show tulad nina Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Wendell Ramos, Boy2 Quizon, Antonio Aquitania, atbp..
Tiyak na magiging masaya ang reunion ng mga dating cast ng BG. At kung puwede pa rin sana, mag-guest si Ogie Alcasid na tumatak noon bilang ‘Angelina’ at ‘Boy Pick-up’.





Comments