ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 25, 2024
Patuloy ang pagsikat ng SB19 member na si Stell Ajero dahil maging si David Foster ay napahanga sa galing kumanta nito. Hindi lang pagsasayaw ang talent niya, kaya rin niyang bumirit sa mahihirap na kanta.
Well, malakas ang karisma ni Stell sa mga tao. In demand din ang grupong SB19 sa mga shows abroad. Dahil sa kasikatan ni Stell, posibleng mag-solo na lang siya kapag lumaki nang husto ang kanyang pangalan at tumaas nang husto ang kanyang kasikatan.
May upcoming collab concert sila ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose na gagawin sa New Frontier Theater. Swak na swak ang timbre ng boses ni Stell Ajero sa boses ni Julie Anne San Jose.
Sa teaser pa lamang ng Widows’ War ay lutang na lutang na ang galing sa pag-arte ni Carla Abellana sa mga eksena nila ni Bea Alonzo. Hindi siya nasapawan ng aktres bagkus ay malakas ang impact ni Carla at mukhang pinaghandaan talaga niya nang husto ang paghaharap nila sa serye.
Kung mas malaki mang artista si Bea at certified box office star, hindi naman nagpadaig si Carla at tinapatan ang galing ni Bea sa aktingan.
Well, maging si Jean Garcia na primera kontrabida ay nag-effort din nang husto sa kanyang role. Hindi siya napag-iwanan nina Bea at Carla.
Tiyak na aabangan at panonoorin ang Widows’ War dahil sa kakaibang istorya nito at magagaling na cast. Award-winning director din ang nagdirek ng serye na si Zig Dulay.
SOBRANG overwhelmed si Barbie Forteza kapag sinasabing pareho sila ni Kathryn Bernardo ng tinatahak na landas sa kanilang career. Medyo nape-pressure lang si Barbie sa pagkukumpara sa kanila ni Kathryn dahil sa mataas na expectation sa kanya ng lahat.
Malaking challenge ito sa aktres at kailangang mapantayan man lang niya ang naabot na kasikatan ni Kathryn na isang certified box office star dahil nagtala ng record sa box office ang Hello, Love, Goodbye na movie nila ni Alden Richards.
Grateful naman si Barbie Forteza sa ginagawang pag-aalaga ng GMA Network sa kanyang career.
After mahiwalay kay Carla…
TOM, MAGIGING TATAY NA SA NON-SHOWBIZ GF SA TATE
Kung totoo ngang malapit nang maging ganap na ama si Tom Rodriguez sa magiging anak nila ng karelasyong non-showbiz na nasa Unites States of America (USA) ngayon, makabubuti ito para sa aktor. Makakatulong ito sa pagkakaroon niya ng plano para sa kanyang tahimik at masayang future.
Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nila ng ex-wife niyang si Carla Abellana, ibang journey naman ang tatahakin ni Tom sa piling ng non-showbiz girlfriend.
Maging ang mga kaibigan niya ay hangad din na magkaroon na siya ng maayos at tahimik na buhay.
Well, it’s good na bumalik si Tom sa ‘Pinas upang ipagpatuloy ang kanyang career.
Magaling siyang aktor at sayang ang mga oportunidad.
Binigyan naman si Tom ng moral support ng GMA Network at tinanggap dahil may dati pa siyang kontrata na hindi pa natapos.
Sa panig naman ni Carla Abellana ay humupa na ang galit niya sa kanyang ex-husband at okey lang kung nakatagpo na si Tom Rodriguez ng bagong mamahalin at magkakaroon na ng sariling pamilya.
Comments