Sikat na sikat na naman si Gen. Eleazar!
ni Ka Ambo - @Bistado | May 07, 2021
Tinanggap si Supreme Court Justice Antonio Carpio ang hamon sa debate ni P-Digong.
Hindi na siya nabiro.
Hindi ba puwede, dyak-en-poy na lang?
◘◘◘
SINO kaya ang maghahamon kay Sen. Manny Pacquiao?
Itaas ang kaliwang kamay!
◘◘◘
NAMANGHA ang lahat sa katakut-takot na kongrats na nai-post sa social media nang italaga ang bagong PNP Chief na si Gen. Guillermo Eleazar.
Marami ang nagsasabi na siya ang “Bagong Ping Lacson”!
◘◘◘
IPINAAARESTO ni P-Digong agad ang mga tao na hindi magsusuot nang maayos ng facemask.
Daig pa ang Martial Law!
◘◘◘
BUMABA na nang todo ang bilang ng nagpopositibo sa COVID.
Aayusin natin ng kaunti: Bumaba nang todo ang “iniuulat na bilang ng nagpopositibo sa COVID”.
Magkaiba ang aktuwal na nagaganap sa simpleng “ulat”!
◘◘◘
SINASABI madalas ng DOH na ang datos ay batay lamang sa “ulat ng mga laboratoryo na nagpapasa ng resulta”.
Maaaring ang iniuulat sa aktuwal na nagaganap.
‘Yan ay dapat, maunawaan ng lahat!
◘◘◘
ANG bilang ng nagpopositibo ay hindi kasingkahulugan ng bilang nga nagkakasakit sa COVID.
Magkaibang-magkaiba ‘yan.
Maaaring magpositibo sa COVID-19, pero hindi nangangahulugang maysakit ang tao.
Dahil kasama sa nagpopositibo ang may malulusog na pangangatawan!
◘◘◘
MALINAW kung gayun na ang figure na “5,000 mark” — ay hindi lahat ng ito — ay maysakit.
Ibig sabihin, sa aktuwal, mababa na talaga ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19!
◘◘◘
LUMILITAW ngayon, tulad ng paulit-ulit na binabanggit sa ating columns — na ang tanging dapat pagbatayan ng deklarasyon ng lockdown — ay ang bilang lamang ng severe, moderate, critical cases at ang bilang ng namatay.
Makikita na ang desisyon sa lockdown ay dapat maselang pinag-iisipan!
◘◘◘
WALANG duda na diretso na sa panghihina ang epekto ng COVID.
Sa malaon at madali, biglang liliit ang bilang ng nagpopositibo, bilang ng maoospital at bilang ng mamamatay.
Ang problema, lugmok na lugmok ang ekonomiya!
◘◘◘
ANG pagbagsak ng ekonomiya ay hindi dahil sa pamemeste ng COVID, bagkus ay dahil sa palpak na desisyon ng mga awtoridad.
Mahalaga ang desisyon sa panahon ng krisis.
At ‘yan ang tunay na susi ng ating pagdarahop!
◘◘◘
INAASAHAN dadagsa ang COVID sa susunod na buwan.
Inaasahan ding biglang maglalaho ang virus next month!
◘◘◘
MATAPOS magkamal ng bilyones ang mga ospital, maaari silang mabangkarote matapos ang pandemic.
Magiging malusog na malusog na ang mayorya ng mamamayan dahil sa bakuna, vitamins at mahusay na immune system!
◘◘◘
WALANG susulingan ang gobyerno kundi ang tumanggap ng matinding sisi sa lahat ng sektor.
‘Yan talaga ang buhay ng public servant!





Comments