top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sikat na sikat ang Pfizer ng U.S., dedma naman sa Sinovac ng China

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 21, 2021



Dinumog ang Pfizer vaccines ng U.S.


Nilangaw ang Sinovac ng China!


◘◘◘


KAHIT sa bakuna, maka-U.S. ang mga Pinoy.


Ayaw talaga nila sa Tsekwa.


Babala ‘yan kay P-Digong!


◘◘◘


SOBRANG init kahit saan.


Kahit ang COVID ay biglang naglaho!


◘◘◘


KAHIT airborne ang COVID, naluluto sila sa ere.


Ang resulta—mabilis na bumababa ang bilang ng nagkaka-COVID.


Paulit-ulit natin ‘yan g binabanggit sa kolum na ito.


Kitam, totoo ‘yan!


◘◘◘


SA biglang pagpatak ng ulan, dahil lalamig ang klima, maaaring magkaroon ng third wave ang COVID.


‘Yan ang dapat paghandaan!


◘◘◘


KAPOS ng praktikalidad ang DOH at IATF.


Dapat silang mag-research at magtanong sa matatanda.


‘Yan ay para hindi sila magkamali sa “panghuhula”!


◘◘◘


MARAMI pa rin ang matitigas ang ulo na nagtitipun-tipon ang magpapamilya.


Pami-pamilya na kasi ang hahawa sa mga lalawigan.


Dapat nilang maunawaan—na hindi pa tapos ang pandemic, kahit may bakuna—makahahawa at mahahawa pa rin sila!


◘◘◘


IPINAMIMIGAY na ng US ang sobrang bakuna.


Malapit na kasing mag-expire!


◘◘◘


AAYUDA pa ng dagdag-$20 bilyon ang sa COVAX ng WHO.


Long Live, America!


◘◘◘


AYAW pang tumigil ang Palestinians at Jews sa pagpapalitan ng bomba.


Gusto nilang mang-agaw pa rin ng eksena!


◘◘◘


TINIRA ni Sen. Pia Cayetano si Sen. Manny Pacquiao.


Sino ang nag-utos?


◘◘◘


DAPAT maunawaan ni Pacquiao ang reyalidad ng pulitika sa Pilipinas tulad ng kanyang karanasan sa boxing.


Kailangan ang black eye muna bago maging ‘champion’!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page