Sikat na Fil-Am singer-vlogger-TikToker… JOSHUA, NAKIPAGPALITAN NG HALIK KAY BELLA POARCH
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 29, 2022

Hindi talaga itinatago ng Fil-Am singer-vlogger-TikToker na si Bella Poarch ang kanyang paghanga sa aktor na si Joshua Garcia.
Sa Instagram account ni Joshua ay may posted photo siya na umaahon sa swimming pool. Naglagay si Bella ng face kiss emoji.
Ni-like ni Joshua ang reaksiyon ng vlogger at nag-react din ng face kiss emoji.
Siyempre pa, inggit much ang mga fans ng actor.
Anila, "Saan ba nakilala si Bella Poarch? Vlogger din ba? Hindi naman pretty si ate."
"Sa TikTok siszt, 'di ko rin siya kilala, narinig ko lang sa isang radio DJ minsan. Then, sinearch ko, hehe, share ko lang."
"Her beauty is very Pinay. Sumikat siya on her own way. 'Wag tayong talangka na may baong ampalaya."
"Famous siya sa Tiktok world. She has 89.8 M followers as of now."
"Feel na feel naman ni Joshua."
"Bagay naman sila, so sana, maging sila, hehe."
"Pathetic. Lahat na lang, bagay."
"Ang cute lang, may crush talaga siguro si Bella sa kanya."
"Bella, pumila ka sa likod."
"In fairness, ang hot pala ni Joshua Garcia. Ready na kaya siya for mature roles?"
"Ang layo ng hitsura ni Joshua ngayon compared noong nasa PBB house."





Comments