top of page
Search
  • BULGAR

Siguruhing sapat ang supply ng kuryente sa bansa

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 20, 2021


Noong Huwebes ay ipinagpatuloy ang pagdinig ng Senado tungkol sa naranasang rotational brownouts sa bansa.


Napag-alaman natin sa hearing na sa kasalukuyan, mayroong 15,000 Megawatts (MW) ng dependable energy ang ating bansa. Sa bilang na ito, 11,000 MW ang demand na kinukonsumo natin.


Sa unang tingin, puwedeng sabihin na sapat ang supply ng kuryente sa bansa dahil mayroon pa tayong 4,000 MW na reserba ayon sa bilang ng supply at demand.


☻☻☻


Ang masamang balita, mayroong tinatawag na planned outage o ang pagsasara ng mga planta dahil sa scheduled preventive maintenance ng mga ito. Bukod dito, mayroon ding tinatawag na unplanned outages o kapag nasira ang mga planta at kailangang ayusin.


Aabot sa 4,000 MW ang mawawalang kuryente sa bansa kapag pinagsama ang bilang ng dalawang ito.


Kaya naman kung susumahin, halos wala nang reserbang paggagalingan ng kuryente kapag nagsabay ang planned at unplanned outages sa bansa.


☻☻☻


Mismong DOE na ang nagsabing ayon sa kanilang mga tala, may linggong magkakaroon tayo ng potential yellow alert at may mga linggo rin silang tinitignan na maaaring umabot sa red alert dahil sa naka-schedule na preventive maintenance ng dalawang planta.


Dahil dito, hinimok natin ang DOE na paghandaan ang napipintong probema na ito at lalong higit ay pag-aralang mabuti ang mga kailangang gawin para tumaas ang bilang ng dependable energy sa bansa at siguruhing sapat ang supply ng kuryente para sa ating mga kababayan.

☻☻☻


HAPPY Father’s Day sa lahat ng mga ama at tumatayong ama ng tahanan. Sa araw na ito, ipadama natin sa ating mga tatay ang pagmamahal at ang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng sakripisyong kanilang ginawa para sa ating pamilya.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻



 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page