Siguruhin ang kaligtasan ng evacuees sa pag-alboroto ng Bulkang Taal at COVID-19
- BULGAR
- Jul 4, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 04, 2021
Muli na naman nating naramdaman ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal nitong mga nakaraang araw.
Pagpasok ng unang araw ng Hulyo, inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Bulkang Taal sa Alert Level 3 na nangangahulugang mayroong “ongoing magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.”
Dahil dito, marami na naman sa ating mga kababayan ang kinailangang lumikas at manatili pansamantala sa mga evacuation sites.
☻☻☻
Siniguro naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa sila at may sapat na goods at pondo na magagamit para sa mga nasa evacuation sites.
Dagdag pa nila, as of July 1 ay mayroon na silang nakahandang 2,787 family food packs (FFPs) na available for distribution at may dagdag na 30,000 family food packs pa na nire-repack sa mga DSWD offices.
Ayon sa DSWD Region IV-A, noong Biyernes ay nakapagpalikas na sila ng 317 families o 1,282 individuals mula sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel at Balete na kasalukuyang tumutuloy sa 11 evacuation centers.
☻☻☻
Bukod sa usapin ng food packs at relief aid, kailangan ding siguruhin ng DSWD at ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga evacuees mula sa COVID-19.
Dapat malinaw at mahigpit na ipatupad ang mga health protocols sa mga evacuation sites at siguro ay dapat haluan na rin ng libreng facemasks ang ayuda na ipinamamahagi sa kanila.
Importante rin na may hand washing stations na available sa mga evacuation centers para masiguro ang proper hygiene at maiwasan ang pagkalat ng virus.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments