Sign na depressed daw, Gerald? JULIA, MUKHANG MAHABANG TABLA SA KAPAYATAN
- BULGAR

- Aug 17
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 17, 2025

Photo: Julia Barretto - IG
Marami ang nakakapansin sa labis na kapayatan ni Julia Barretto kaya’t may nagtatanong kung may kinalaman ito sa relasyon niya kay Gerald Anderson, na madalas madawit sa iba’t ibang isyu.
Bagama’t fake news umano ang mga balitang ikinasal o nagkaanak ang aktor, hindi pa rin mapigilan ng mga netizens ang magkomento.
Komento ng mga Marites…
“Hitsura ni Julia, laspag na laspag na. Ganda na lang natira sa kanya.”
“Mas lalo s’yang gaganda kung tumaba nang konti.”
“Walang laman ang harapan.”
“Para s’yang mahabang tabla ng kahoy.”
“Broken-hearted kasi s’ya.”
“Signs of depression.”
“Nakonsumi kay Gerald kasi babaero.”
“Her breast sags.”
“I thought it was the wife of Popeye’s OLIVE.”
May nagsabi pang tuyot na sa kapayatan ang aktres.
Sa 19th birthday…
BARON AT NADIA, NAGSAMA PARA SA ANAK
SA kabila ng isyung kinakaharap ni Nadia Montenegro, hindi niya nakalimutan ang kaarawan ng anak nila ni Baron Geisler na si Sophia.
Nagdiwang ng 19th birthday ang anak kasama ang kanyang mga magulang. First time nilang nagkasama sa celebration bilang isang pamilya.
Naroon din ang misis ng aktor na si Jamie, na nakunan pa ng larawan kasama si Nadia, patunay na maayos na ang relasyon ng kanilang blended family.
Bagama’t nasabay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Nadia kaugnay ng umano’y marijuana incident sa Senado, ikinatuwa ng mga netizens ang makikitang closeness nina Nadia at Jamie.
Noong Mayo 2025, kinumpirma ni Nadia na nasa pangangalaga ni Baron si Sophia simula Pebrero bilang paghahanda nito sa kolehiyo. Aniya, maganda na ang komunikasyon nila ni Baron bilang mga magulang ni Sophia at nagtutulungan sila para sa kinabukasan ng kanilang anak.
ITINALAGA si Frankie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan, bilang bagong chairperson ng Committee on Youth ng Senate Spouses Foundation.
Ipinagmamalaki ng Megastar ang bagong achievement ng anak, habang muling nahalal si Heart Evangelista, misis ni Senate President Chiz Escudero, bilang presidente ng foundation.
Binigyang-diin ni Frankie na ang kanyang aktibismo ay bunga ng patriotismo at hindi pulitikal na ambisyon. Aniya, isa itong hakbang para sa mga kabataang tagapagtaguyod ng pagbabago.
Sa social media, ipinahayag ni Sharon ang tuwa at paghanga sa pagtanggap ng anak sa bagong responsibilidad. Positibo rin ang reaksiyon ng publiko sa kakayahan ni Frankie na magbigay ng boses sa kabataan.
Kasama sa foundation sina Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto. Nakatutok ito sa civic at social welfare projects tulad ng community outreach at charitable activities.
Pahayag ni Frankie, wala sa plano niya ang pumasok sa pulitika. Isa lamang daw siyang mamamayang Pilipino na nais makita ang pagbabago.
Ang bagong tungkulin niya ay magbibigay-daan sa pagtutok sa mga programang may kinalaman sa edukasyon, mental health awareness, at youth empowerment.
Nitong Mayo lang ay nagtapos siya ng kolehiyo sa Barclays Center sa New York, kaya mas may time na ngayon si Frankie sa kanyang bagong responsibilidad.








Comments