top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SIGAW NI YASSI: JAMES AT ISSA, NASA EDAD NA, WALA NAMANG TINATAPAKAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 24, 2023



Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Yassi Pressman nang diretsuhing tanungin ng kasamahan naming entertainment writer na si Rose Garcia sa presscon kahapon ng bago niyang sitcom sa TV5, ang Kurdapya, tungkol sa pambu-bully ngayon sa kanya ng mga netizens dahil sa maingay na relasyon ng kapatid niyang si Issa Pressman kay James Reid.


Bungad ni Yassi, once and for all, magsasalita na siya at last na raw 'to dahil mukhang pagod na rin sa pagpapaliwanag sa mga netizens ang aktres na ate ni Issa.


Una niyang nilinaw ang lagay ng friendship nila ni Nadine Lustre na alam ng lahat na ex-girlfriend ni James Reid at BFF ni Yassi.


"Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay din 'yung buong pamilya namin at siyempre po, bago nag-public ang lahat, lahat po, naasikaso na in private.


"So, lahat po, walang problema. Me and Nadine, we are friends ever since kaya naman lahat po, okay po. Saka, ilang taon na rin naman po, kaya sana, let everyone be happy."


Kasunod na inamin ni Yassi ay nag-usap sila ni Nadine at sinabi nga raw niya sa BFF na nagkaka-anxiety na siya dahil sa isyung ito.


“Kasasabi ko nga lang din po sa kanya, ‘Uy, girl. Nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao."


Ang sagot daw sa kanya ni Nadine, "Sorry to hear that. I hope you’re feeling better.”


Samantala, tinanong din si Yassi tungkol naman sa paglantad ng relasyon nina James at Issa.


Aniya, okay naman sila ni James at nagulat din siya tulad ng iba sa pagkakaroon ng relasyon ng mga ito.


“Nagulat lang din po ako, siyempre. So, sabay-sabay po tayo na ganu'n (shocked). Ano?! Ganu'n po. Hahaha!” kuwento ni Yassi.


“Pero, ah, nu'ng sinabi po ‘yun sa ‘kin recently, hinayaan ko na lang din po na magdesisyon ‘yung mga tao, because they’re old enough naman to make their own decisions na rin po, eh. Saka, lahat po ng tao, may choice, kung wala naman pong ibang tao na tinatapakan. At everybody is… you know, not doing anything wrong. Feeling ko, wala naman pong problema," cool lang na sagot ni Yassi.


Samantala, thankful ang aktres sa Viva at sa TV5 para sa bago niyang sitcom na Kurdapya dahil mae-explore na naman niya ang kanyang acting skills lalo't dalawang katauhan ang gagampanan niya rito bilang sina Kuring at Daphne.


Nagsimula nang umere ang Kurdapya last March 18, Sabado, 6 PM sa TV at mapapanood ito weekly hindi lang sa Kapatid Network kundi maging sa Sari-Sari Channel tuwing Linggo, 8 PM.


Kasama rin sa cast sina Marco Gumabao, Ryza Cenon, Nikko Natividad, Katya Santos, Candy Pangilinan, Heart Ryan, Tomas Rodriguez, Jobelyn Manuel, Akihiro Blanco, Juliana Segovia, Jela Cuenca, Charles Law, Keagan de Jesus at Kurt Dy mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page