top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SIGAW NI TITO SEN: EB!, WA' 'K' MAGDIWANG NG 44TH ANNIV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 1, 2023




Pinalagan ni Tito Sotto ang pagdiriwang ng 44th anniversary ng Eat… Bulaga! na produced ng TAPE, Inc. at napapanood sa GMA-7.


Last Saturday, July 29, ay napanood nga ang 44th anniversary celebration ng nasabing longest-running noontime show habang ang E.A.T. naman ng TVJ (Tito, Vic Sotto and Joey de Leon) ay nagdiwang ng “National Dabarkads Day.”


Sa X (Twitter) account ni Tito Sen noong Linggo (July 30) ay diretsahan niyang sinabi na walang karapatan ang TAPE, Inc. na magdiwang ng 44 years dahil nagsimula lang itong maging producer ng Eat… Bulaga! noong 1981, gayung ang show ay nagsimulang umere noong 1979.


“TAPE, Inc. has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. They did not exist in 1979. EB! ceased to be EB! when TVJ left them,” ang tweet ni Tito Sen.


Sinagot din niya ang naging pahayag ni Paolo Contis last Saturday sa Eat… Bulaga! na nasasaktan sila kapag tinatawag silang “Fake Bulaga!”


Sey ni Paolo, “Marami ang nagsasabi na kami ay “Fake Bulaga!”. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff, walang peke sa pagmamahal ko sa crew, walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong ‘to.


“Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag n’yo kaming “Fake Bulaga!” dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao, wala po.”


Ipinost ni Tito Sen ang link ng artikulong lumabas kung saan nga ay naka-quote si Paolo, at ang sagot niya rito, “Then, why not think of a new name?”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page