top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SIGAW NI SEN. TITO: JALOSJOS, MAG-PRODUCE NG SARILING SHOW!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 2, 2023




May pakiusap si Sen. Tito Sotto sa pamilya Jalosjos na namamahala ngayon sa programang Eat... Bulaga!.


Sana raw ay 'wag nang galawin at pakialaman ang kasalukuyang format ng noontime show dahil maayos naman itong tumatakbo at patuloy na tinatangkilik ng publiko.


Sa mahigit na apat na dekada ng EB! sa telebisyon, alam na alam na nila kung ano ang gusto ng mga viewers.


Ang TVJ at si Mr. Tony Tuviera ang mga tinaguriang utak sa likod ng magagandang segments ng EB!. Tumatak at nagmarka nga ito sa mga viewers.


Malakas ang naging impact ng segment na Pinoy Henyo na laging nilalaro sa mga Christmas parties ng iba't ibang kumpanya.


Marami rin ang nabiyayaan at nabigyan ng mga ayuda sa segment na Juan for All... All for Juan (Sugod Bahay).


Samantala, maraming pinasikat ang contest na Mr. Pogi at inilampaso rin ng EB! ang ibang noontime shows dahil sa phenomenal na pagsikat ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Ilang taon na namayagpag ang AlDub na inidolo ng libu-libong viewers. Saksi ang TVJ sa mga tagumpay ng nasabing noontime show.


Masakit para kina Sen. Tito, Vic Sotto at Joey de Leon ang komento na matatanda at laos na ang TVJ, kaya kailangan na silang palitan.


Sa kabilang banda, hinahamon naman ni Sen. Tito ang mga taong nagmamagaling ngayon sa likod ng EB! na subukan nilang mag-produce ng noontime show na wala ang TVJ at 'wag nilang gagamitin ang titulong Eat... Bulaga!.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page