SIGAW NI LOLIT: LIZA, WA' PANG NAPAPATUNAYAN, ANG YABANG NA!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 3, 2023

Still on Liza, naglintaya rin ang veteran talent manager-columnist na si Lolit Solis sa aktres hinggil nga sa mga sinabi nito tungkol sa love team culture.
Tila hindi nagustuhan ni 'Nay Lolit ang mga sinabi ni Liza na ayaw daw talagang tumigil sa pagse-self destruct.
"Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self-destruction na ginagawa niya, Salve.
Ngayon naman, parang know-it-all na alam niya ang issue tungkol sa love team.
"Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream niya. Puwede namang ituloy ni Liza ang pangarap niya nang walang sinasabi, walang iwanan issue.
"Basta lang mag-try siya at sana biglain na lang ang lahat 'pag nagkaroon siya ng Hollywood project. Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya," litanya ni 'Nay Lolit sa kanyang Instagram.
Tinawag din niyang mayabang ang aktres gayung wala pa raw itong napapatunayan.
"Mahirap talaga 'pag ganyan, para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo nang magbigay ng komento," aniya.
Ganunpaman ay sinabi naman ni 'Nay Lolit na hangad niya ang tagumpay ni Liza sa Hollywood.
"Hindi lang si Liza ang sumubok matupad ang Hollywood dream, marami na at lahat nabigo.
Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na HOPE, hoping for the best, bongga," pagtatapos ni 'Nay Lolit.





Comments