top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SIGAW NI LOLIT: GABBY, SOBRANG KURIPOT, NEVER NAGBIGAY NG REGALO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 24, 2023



Maraming sikat na artista ngayon ang na-manage ng veteran columnist-talent manager na si Manay Lolit Solis tulad nina Gabby Concepcion, Rudy Fernandez (SLN), Alma Moreno, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Nanette Medved, Gladys Reyes at Paolo Contis.


Pero, si Sen. Bong Revilla, Jr. ang never nakalimot na batiin si Manay Lolit sa tuwing may mga special occasions.


At kahit gaano pa kaabala ang senador-aktor ay naglaan siya ng oras upang makasama si Manay Lolit para sa kanyang 76th birthday.


Isang lunch treat and get-together ang inihandog na regalo ni Sen. Bong para sa kanyang long-time manager at ito ay dinaluhan ng ilang media friends ng birthday celebrator.


Naaliw lang kami nang ibinuking ni Manay Lolit na never pa siyang binigyan ng regalo ni Gabby Concepcion simula noong nagkakilala sila hanggang sa naging talent niya ito.


Kaya nga kapag dumarating ang Pasko at birthday niya ay hindi na umaasa pa si Manay Lolit na reregaluhan siya ni Gabby, unless diretsahan niyang hihingan ng regalo ang aktor. At talagang tumatak na sa lahat ang pagiging kuripot ni Gabby.


Ibinahagi rin ni Manay na sa lahat ng kanyang mga alaga, ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez ang pinakamalambing at sobrang thoughtful din daw nito. 'Yun daw ang mga katangiang hindi niya malilimutan tungkol kay Rudy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page