SIGAW NI DINGDONG: MGA KOREANO, IDOLOHIN PERO 'WAG KOPYAHIN
ni Nitz Miralles - @Bida | October 30, 2022

In-announce na ni Dingdong Dantes na extended hanggang next year ang Family Feud, kaya ‘yung mga viewers na nag-alala na magtatapos na ang airing ng game show sa December, nothing to worry about.
“Sharing good vibes lang dahil extended hanggang next year ang @familyfeudph!” lang ang ibinalita ni Dingdong, tuwang-tuwa na ang mga viewers nito.
Kabilang sa mga natuwa ‘yung mga umaasang maging contestant sila o kaya maging part ng live audience.
Kaugnay nito, itinanggi ng PPL Entertainment (management ni Dingdong) ang balitang nagso-solicit diumano ng pera ang kampo ng aktor para gamitin sa Family Feud. May mga scammers na ginagamit ang pangalan ni Dingdong at ang show para makapangbudol.
“Only the GMA Network Inc. is legally authorized to coordinate for and transact in behalf of Family Feud. Please remain vigilant. Thank you,” pahayag ng PPL Entertainment.
Anyway, ang Amazing Earth na isa pa sa mga hino-host ni Dingdong sa GMA-7, forever naman yata ang airing. Hanggang may material, tuluy-tuloy every Sunday.
This Sunday nga, bida ang tanim na makahiya na marami palang benefits sa katawan at nakakapagpababa ng blood sugar, kaya malaking tulong sa mga diabetic.
May comment pala si Dingdong sa isyu na i-ban sa bansa ang K-drama. Sabi ni Dingdong, “We should take inspiration from the economic framework of the Korean entertainment industry without copying the creative output.”
Hindi kinontra ni Dingdong ang comment ni Sen. Jinggoy Estrada, pero mas pabor siya sa mga suggestions ni Cong. Joey Salceda.





Comments