SIGAW NG NETIZENS: P7 M BAG NI MAINE, I-DONATE NA LANG SA MGA BIKTIMA NG BAGYO
- BULGAR
- Aug 6, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2023

Ipinagtataka lang namin kung bakit pati ang regalo nina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde para sa isa’t isa ay ginagawan pa ng issue ng ilang bashers.
Isang mamahaling Hermes Kelly bag worth P7 M ang wedding gift ni Cong. Arjo para sa kanyang bride na si Maine.
May ilang netizens ang nag-comment na sa halagang ‘yun ng bag na regalo ni Cong. Arjo kay Maine ay maraming pamilya na sana ang napakain at natulungan, lalo na ang mga biktima ng Bagyong Egay.
Well, depensa naman ng mga supporters ni Cong. Arjo ay sariling pera ‘yun ng actor-politician at hindi galing sa pondo ng kanyang distrito. Pinaghirapan daw nito ang perang ipinambili niya ng regalo para sa kanyang wifey na si Maine.
Gusto niyang bigyan ng special gift ang babaeng kanyang pinakasalan.
Si Maine naman ay isang mamahalin at rare edition na Land Cruiser ang regalo sa kanyang mister na si Cong. Arjo. Milyones din ang halaga nito at sariling pera ni Maine ang ipinambili niya rito mula sa kanyang kinita sa showbiz.
Para sa amin, hindi naman obligasyon nina Cong. Arjo at Maine ang bigyan ng ayuda ang mga taong binaha at nasalanta ng Bagyong Egay. Puwede silang mag-donate sa abot ng kanilang makakaya at hindi kailangang diktahan ng sinuman.





Comments