SIGAW NG NETIZENS: KIM, MAS BAGAY NA BEST FEMALE OA HOST
- BULGAR
- Feb 2, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 2, 2023

Sobra naman kung makapanlait at mang-okray ang mga taong bitter sa pagkakapanalo ni Kim Chiu bilang Best Female Host via It's Showtime sa ginanap na 35th Star Awards for TV.
Bakit daw si Kim ang nanalo, eh, mas deserving naman sa kanya sina Amy Perez, Anne Curtis at Karylle na mga kasamahan niya sa It's Showtime.
Ang dapat daw na award kay Kim Chiu ay Best Female OA Host at Best in Labas sa Leeg sa Kasisigaw Host.
Ganu'n ka-bitter ang mga bashers ni Kim Chiu na hindi matanggap ang kanyang pagkakapanalong Best Female Host ng Star Awards.
Dinedma lang sila ng Chinita Princess. Sobra siyang excited at masaya sa award na natanggap.Wala siyang panahon sa mga inggitera at bitter na tao.
Todo-pasasalamat ni Kim Chiu sa It's Showtime at grateful na naging part ng noontime show.
Nabigyan siya ng chance na maging host.
Isine-share rin ni Kim Chiu ang kanyang award sa kanyang mga co-hosts.





Comments