SIGAW NG NETIZENS: DOMINIQUE AT MISTER, WA' RESPETO SA NATIONAL MUSEUM
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 9, 2023

Usap-usapan sa isang sosyal na party na dinaluhan ng aming source kamakailan ang katatapos lang na kasal nina Dominique Cojuangco at Michael Hearn na ginanap sa San Agustin Parish.
Nope, hindi sila sa kabonggahan ng kasal nagulat kundi sa fact na sa National Museum ginanap ang wedding reception ng anak nina Mr. Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto.
Actually, kahit ang ilang netizens ay una nang nagparating ng kanilang pagkagulat at disgusto na pinayagan ng mga namumuno sa National Museum na magamit ito sa isang wedding reception gayung isa ito sa mga iniingatan at inirerespetong Philippine heritage.
Ang haka-haka ng mga socialites na Marites sa naturang party, gumamit ng malakas na backer at 'power' ang kampo ni Dominique para payagan silang du'n ganapin ang reception ng kanilang kasal.
Katwiran pa nila, sana raw ay binigyang-respeto ang naturang lugar dahil baka marami pa ang sumunod pagkatapos nina Dominique at Michael Hearn.





Comments