top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SIGAW NG NETIZENS: BIANCA, PATAY NA PATAY KAY RURU

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 9, 2022



Ayon kay Ruru Madrid sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa Toni Talks YouTube Channel kamakailan, "the one" na raw niya ang girlfriend na si Bianca Umali.


Member ng Iglesia ni Cristo ang Kapuso actor at dahil sa pagmamahal sa kanya ni Bianca ay nagpa-convert na rin ito sa INC.


Ang daming hanash ng mga netizens dahil sa ginawang ito ni Bianca.


"Wala pa silang label niyan, ah? Paano 'pag meron na? Baka ministro na si girl agad."


"LOLOLOL. Pareho namang chaka. Si gurl, ang ganda nito DATI. Ngayon, dry na dry na."


"Kaya nga. Galit na galit si father kay RR (Enriquez), pero totoo naman. Walang label, tapos nag-convert na. Tapos, sabi ng anak niya, she’s the one na. Hay, naku. Pasok, RR. Sawsaw na."


Sey naman ng isang netizen, "'Di ko iiwan ang religion ko para sa lalaking 'di ako mabigyan ng label."


Nagalit ang isang fan, "Hindi ka ba nanonood ng news? May label sila, 'no? Inamin ni Ruru na in a relationship sila ni Bianca."


Advise naman ng isang commenter, "Sana, kayo na mga kapatid, magtiwala at magtiwala sa Panginoon para 'di kayo iwan kung dumating ang pagsubok sa inyong buhay. Magtumibay sa pananampalataya. Love more and respect each other."


"Patay na patay si girl sa kanya. Naku, ha, lugi si girl kung maghiwalay."


"Parang kargo de kunsensiya ni Ruru kung magloloko siya since si girl na ang nag-adjust for him. Mukhang selosa pa naman si Bianca. Hahaha! Good luck."


"Dami na in-invest ni girl for Ruru."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page