Aktor, busy sa pagpapayaman… SIGAW NG FANS: ALDEN, WALANG DAPAT IPAG-REACT NA MAY BF NA SI KATHRYN
- BULGAR

- Mar 9, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 9, 2025
Ang mga fans na ni Alden Richards ang sumagot sa tanong ng ibang fans kung ano raw ang reaksiyon ng aktor sa balitang in a relationship sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala?
Sagot ng mga fans ni Alden, sakaling totoo ang ibinalita ni Ogie Diaz, walang dapat ipag-react ang aktor dahil hindi siya kasama sa relasyon ng dalawa.
Kaya lang, wala pang comment si Alden, nadadamay o idinadamay lang siya sa love life ni Kathryn. Dahil siguro sa balitang nanligaw o tumigil siyang manligaw kay Kathryn.
Dagdag pa ng mga fans ni Alden, marami itong ganap sa buhay at doon ang focus niya. Isa rito ang nalalapit na opening ng 2nd McDonald’s store nila ng kanyang pamilya na nasa Sta. Rosa, Laguna.
Wala pang exact date na sinabi ang aktor, ipinost lang ang logo ng McDo at nakasulat ang “October 2025” na ang paniwala ng mga fans, buwan ng opening ng store.
Isa pang pinagkakaabalahan ni Alden ay ang concert ng 98 Degrees na kahit wala pang date na ina-announce, marami na ang excited. Inaalam na nga kung magkano ang tiket para mapag-ipunan.
Nabanggit ni Alden na excited na ang “mga tita at tito” dahil 90’s band pa ito at baka hindi na kilala ng mga Gen Z.
INIINTRIGA ang lumabas na larawan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara na nasa tennis court at naglaro. Comment ng isang basher, nagpaplastikan ang dalawang aktres para raw mapag-usapan.
Kinorek ang basher ng fan na mas alam ang buhay nina Barbie at Kyline. Matagal na silang magkaibigan at “Kumare” nga ang tawagan. Kaya raw nagka-time mag-tennis ang dalawa, parang bonding time na rin nila dahil magkakasama sila sa isang upcoming series ng GMA-7 na Beauty Empire (BE).
Kaya may comment si Barbie para kay Kyline na “See you soon” dahil magkikita sila sa storycon at kapag nagsimula na ang taping ng series. Kaya may picture ang dalawa kasama si Director Mark dela Cruz ay dahil ito ang magdidirek ng series.
Mali rin ang caption sa photo nina Barbie at Kyline na: “Tennis group ng mga iniwanan,” dahil ang alam ng marami, si Barbie ang nakipag-break kay Jak Roberto. Si Kyline rin ang nakipag-break kay Mavy Legaspi o puwedeng mutual decision nilang mag-break.
Inaabangan ang makakasama nina Barbie at Kyline sa series, sana raw si David Licauco ang ipareha kay Barbie at bagay naman si Kobe Paras na mapasama sa cast.
COLLABORATION daw nina Coco Martin, Mark Lapid, at Senator Lito Lapid ang TV ad ng senador kung saan sinagot ang mga ibinabatong isyu kay Lito. Baka nga pati director ng TV ad, si Coco na rin ang gumawa dahil siya ang nagdidirek ng mga series niya ngayon, kabilang ang Batang Quiapo (BQ).
Unang sinagot na isyu kay Lito ang wala raw itong ginagawa habang nasa Senado. Si Coco ang sumagot na maraming ginawa si Lito, kabilang ang pagbibigay ng free legal assistance sa mga mahihirap para sila umunlad. Ito ay sa pamamagitan ng RA 9999 “Lapid Law.”
Sinagot din sa TV ad ang sinasabing artista lang si Lito, ano raw ba ang nagawa ng isang action star?
Sagot ni Coco, maraming nagawa ang senador kabilang ang pag-aksiyon sa Eddie Garcia Law para sa kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng entertainment.
Sinagot din sa TV ad ang laging ibinabato kay Lito na hindi siya nakatapos sa pag-aaral, kaya wala siyang kakayahang matulungan ang mahihirap na mga mag-aaral. Itinama ito ni Coco dahil maraming mahihirap ang nakatapos ng kolehiyo dahil sa kanyang Free College Exams Education Act. Pinatotohanan ito ng maraming naka-graduate dahil sa batas na isinulong ng senador.
Maganda ang pagkakagawa ng TV ad at malaking bagay na si Coco ang pangunahing endorser ni Lito.
Proud naman si Mark sa TV ad ng ama. Kung sa movie na Sunugin Ang Samar (SAS), may linyahan na “Sa gubat, saging lang ang may puso,” ang linyahan ngayon, “Hindi lang saging ang may puso” dahil “TV ad ni Sen. Lito Lapid, may puso rin.”






Comments