Sibakin ang mga wa’ ‘wentang yorme at hepe, now na!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 28, 2021
NALALABAG ANG HEALTH PROTOCOLS SA MGA PASUGALAN—Ipinag-utos ni P-Duterte sa PNP (Philippine National Police) na dakpin ang mga barangay chairman na nagpapabaya sa health protocols at kumukunsinte sa mga mass gathering, tulad ng pagdaraos ng picnic at party sa kanilang nasasakupan.
Sana ay ipag-utos din ni P-Duterte ang pag-aresto sa mga mayor at hepe ng pulisya na kumukunsinte sa mga illegal gambling kasi ang pagbabahay-bahay ng mga kubrador para magpataya ng jueteng, lotteng at bookies ay paglabag din sa health protocol kasi nagkakaroon sila ng close contact sa mananaya, period!
◘◘◘
KASIRAAN KAY GEN. MACARAEG ANG PAGGAMIT SA KANYANG PANGALAN NI ‘FRANCIS’ SA ‘TONGPATS’ COLLECTION—Kung walang kinalaman si Gen. Macaraeg sa “tongpats collection” ni “Francis”, dapat ipa-tokhang na agad niya ito kasi ang ginagawa nito ay malaking kasiraan sa kanyang pangalan.
Usap-usapan ngayon sa Camp Crame na kabagu-bago pa lang ni Gen. Macaraeg sa kanyang puwesto ay may isang “Francis” na nagpapakilalang taga-SPD ang gumagawa na agad ng pagkakaperahan sa pamamagitan ng “tongpats” collection sa mga ilegalista sa southern part ng Metro Manila, period!





Comments