Si Tirso ang greatest love pero… NORA, 5 ANG SABAY-SABAY NAGING BF
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 23, 2023

IMaraming naging pasabog at rebelasyon ang Superstar na si Nora Aunor nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda.
Isa nga rito ay ang kanyang kabaliwan sa pag-ibig. Greatest love niya ang kanyang ka-love team noon na si Tirso Cruz III or Pip.
Kapag daw may LQ sila ni Pip ay nagmumukha siyang kawawa na hindi pinagbubuksan ng pinto sa bahay ng aktor habang todo-abang siya sa labas.
Naramdaman din ni Guy na hindi siya totoong minahal ni Tirso at para lang sa Guy and Pip love team ang lahat.
In short, para lang sa career ni Pip ang lahat kaya pinakisamahan niya ang Superstar.
Alam naman 'yun ni Aunor at tinanggap niya dahil sobrang in love siya kay Pip.
But wait, kung si Pip man ang kanyang greatest love, may panahon naman na lima ang sabay- sabay niyang nakarelasyon. Fling-fling lang naman at hindi seryoso.
Sadyang makulay ang love life ni Nora Aunor. Open naman ito sa publiko at maging sa mga Noranians.
Nagmarka ang mga pelikulang ginawa ni Aunor. Bukod sa Himala, umani ng papuri ang Banaue, Bona, Tatlong Taon na Walang Diyos, Ina Ka Ng Anak Mo, T-Bird at Ako atbp..
Kaya naman, deserve niyang gawaran ng pagkilala bilang National Artist.
Balak pa ring gumawa ng pelikula ni Aunor at maging aktibo sa kanyang career. May movie siya kasama sina Gina Alajar at Alfred Vargas, ang Pieta.
Pangarap din niyang makasama sa isang pelikula ang kanyang mga anak na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. Gusto rin niyang magdirek at mag-produce ng pelikula.





Comments