top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Si Roque ang pinakasinungaling sa mga spokes person

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2021
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 08, 2021



MAS IMPORTANTE ANG CONTACT TRACING KAYSA SA BARIL NG MGA BUMBERO—Ngayong nananalasa na sa Pilipinas ang Delta variant, iminungkahi ni Vice-Pres. Leni Robredo na paigtingin ng Duterte gov’t. ang contact tracing upang ma-isolate at magamot agad ang mga nagka-virus upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant, pero ang masaklap, sinabi ni Baguio City Mayor and contact tracing czar Benjamin Magalong, na malabong maisakatuparan ito kasi ubos na raw ang pondo para sa contact tracing.


Mantakin n’yo, sa pambili ng baril para sa mga bumbero may budget ang Duterte gov’t. pero budget sa contact tracing, wala.


Dapat isalpak ng Duterte gov’t. sa kanilang kukute na sa panahon ngayon, mas importante ang contact tracing kaysa sa baril, period!


◘◘◘


SA MGA NAGING PRESIDENTIAL SPOKESMAN, SI ROQUE ANG PINAKASINUNGALING—Sa mga naging presidential spokesman, si Sec. Harry Roque ang nuknuknan ng sinungaling.


Matapos sabihin ni dating Speaker, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na ang isa sa mga dahilan ng pagkalas niya ng suporta kay P-Duterte ay ang kahinaan ng administrasyon nito sa tugon sa laban sa COVID-19 kaya maraming Pilipino ang namatay sa virus, sinabi ni Roque na mali ang dating speaker kasi base sa data ay pang-86 lang ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo, kung dami ng mga nasawi sa COVID-19 ang pag-uusapan.


Kaya natin nasabing nuknukan ng sinungaling si Roque kasi ang katotohanan ay sa 220 bansa at teritoryo sa mundo ay pang-25 ang Pilipinas sa dami ng mga namatay sa virus, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page