top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Si Liza lang ang may alam... MADIR, IYAK NANG IYAK NANG MALAMAN ANG PINAGDAANANG DEPRESYON NI ICE

BULGAR
Jun 27, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 27, 2022


Natupad na ang pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek ng short film at sobrang memorable ito para sa kanya dahil may kinalaman ito sa personal niyang buhay lalo't nasama ang pelikula niyang Dito Ka Lang sa Healthy Pilipinas Short Film Festival.


Unang collaboration ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Department of Health (DOH) ang nasabing film festival na nagkaroon ng opening at awarding sa Shangri-La Plaza Red Carpet Cinema 1 nitong Biyernes.


Bukod sa Dito Ka Lang ni Ice ay kasama rin ang lima pang featured films na kuwento ng mga taong may iba’t ibang pakikibaka sa buhay, pero ang mensahe ay ‘ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa kalusugan at katawan.’


Ang lima pang pelikula ay ang Ang Paboritong Pinggan ni Nanay na idinirek ni Carlo Enciso Catu; Child’s Play ni Julienne Ilagan; Brand X ni Keith Deligero; Llegada ni Ryanne Murcia at Zurich Chan; Life On Moon ni Sheron Dayoc.

The following short films cover the Healthy Habits on fitness and nutrition, sustainable living, substance abuse prevention, mental health, safe sex, and safety measures.


Pinalakpakan nang husto ang animation film na Brand X at ang docu film ni Ice na Dito Ka Lang.


Kahit Bisaya ang lengguwaheng ginamit sa Brand X ay lubos itong naintindihan ng manonood kahit hindi pa basahin ang English subtitle dahil malinaw ang mensahe ng mga karakter ng botelyang shampoo at conditioner na sa huli ng kuwento ay ipinamukha sa mga viewers ang national issue patungkol sa climate change.


Ilang minuto lang ang pelikula pero nailabas ni Direk Keith ang mensahe na gusto niyang iparating sa makakapanood ng Brand X at kahit limitado ang budget mula sa FDCP at DOH.


Palibhasa, ngayon lang kami nakapanood ng pelikula ni Direk Keith at nang i-Google namin siya ay kaliwa’t kanan pala ang awards niya mula Cinema One Originals Digital Film Festival, QC International Film Festival, at dalawang awards sa ibang bansa mula sa San Diego Asian Film Festival at Berlin International Film Festival.


Pagkatapos patawanin ng Brand X ang mga nanood sa Shangri-La red carpet premiere ay pinaiyak naman ni Ice ang lahat sa kanyang Dito Ka Lang.


Hindi kasi alam ng lahat na during the pandemic ay dumaan sa matinding depresyon si Ice na ang tanging nakaalam lang ay ang asawang si FDCP Chairperson Liza Diño na tinulungan siya para labanan ang anxiety at depression through his song na ‘Wag Kang Aalis.


Kaya maraming ginulat si Ice nang ikuwento niya ang mga pinagdaanan na idinaan niya sa awiting ‘Wang Kang Aalis. Nangilid ang mga luha namin.


At ang masakit ay hindi ito alam ng kanyang inang si Mommy Caring Seguerra kaya matapos nitong mapanood ang directorial debut ng anak ay iyak siya nang iyak at sabay tanong ng, “May pinagdadaanan ka palang ganyan.”


Siyempre, ang alam kasi ni Mommy Caring ay okay lang ang anak kasi kapag kausap niya ay hindi nagpapahalata ang singer-songwriter sa nararamdaman.


Sa kanyang speech ay inamin lahat ni Ice at pinasalamatan niya ang lahat ng taong umintindi at nakatulong para mabuo ang Dito Ka Lang film niya.


Anyway, ang Healthy Pilipinas ay bahagi ng pakikiisa ng FDCP at DOH sa malawakang kampanya ng Duterte administration para sa kalusugan ng bawat Pilipino. Ang anim na short films ay gagamitin ng DOH sa kanilang mga health and wellness campaign.


Sabi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, “Who would have thought that FDCP and DOH would champion together both of their advocacies in a way that is very relatable and very engaging to our audience.

“It’s amazing how being in lockdown has spurted creativity even in isolation. The film community stayed active with writing, story development, and preparing for the time that shoots and filming will be allowed again.


“We excitedly took this on as health has become a paramount concern for every person globally. It is the right time to harness the power of cinema and social media to communicate something relevant,” aniya pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page