Si Kylie ang nagwagi… JANINE, AMINADONG SOBRANG NASAKTAN NANG 'DI MAPILI SA ROLE SA SERYE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 12, 2022

Sinagot ni Janine Gutierrez ang basher niya na pumunang lagi niyang idinadawit ang dati niyang network na GMA-7 sa kanyang mga interviews.
Sa isang panayam kasi ay inalala niya ang panahon na nag-audition siya para sa role na Amihan sa Encantadia.
Kuwento niya, isa siya sa mga na-short list na aktres para sa role pero hindi siya nagtagumpay na masungkit ang role at napunta ito kay Kylie Padilla.
“But in the end, the role went to someone else, tapos sobrang heartbroken ako kasi sobrang fan ako ng Encantadia, fan ako ni Iza (Calzado). So, parang 'di ko ma-gets, oh, my gosh, like parang gusto kong gawin ito pero I didn’t get it,” ani Janine sa panayam.
Dahil dito ay isang netizen ang tinawag ang kanyang pansin sa pagbanggit sa GMA-7.
“Accla @janinegutierrez, ano 'yan? Kada may show ka o ganap, laging dawit GMA sa presscon mo para umingay? Haha! Move on ka na, ante (laughing with tears emoji). Sa ngalan ng brilyante ng tubig, sana, hindi mag-flop movie mo gaya nu'ng MMMY series mo. Chareng! Labyu.
“PS: Buti na nga lang si Kylie ang naging Amihan (blue heart emoji),” mensahe ng netizen sa kanya sa Twitter.
Hindi naman ito pinalampas ni Janine at maayos siyang nagpaliwanag sa akusasyon ng netizen.
“No disrespect! I was asked about meant-to-be moments in my career and I just talked about how this character, named Amihan rin, was the one meant for me pala,” reply tweet ni Janine.
At tungkol naman kay Kylie Padilla, ayon kay Janine ay deserved daw talaga ng aktres ang role na Amihan.
“Super agree na good thing si Kylie naging Amihan sa Enca, super bagay & galing niya, lalo na action pa. Deserve,” pahayag pa ni Janine.
Humanga naman ang mga fans sa maayos na pagsagot ni Janine at ipinagtanggol din nila ang aktres laban sa basher.





Comments