top of page
Search
  • BULGAR

Si Joshua ang BF, pero… JULIA, UMAMING SI GERALD ANG NAKAUNA SA KANYA

ni Beth Gelena @Bulgary | April 28, 2024





KAHIT na sina Joshua Garcia at Julia Barretto pa noon ang magkarelasyon at ilang beses na nagsama sa pelikula, ay hindi pa pala sila nagkaroon ng onscreen kiss. 

Pero kay Gerald Anderson na first time pa lang nakasama ng aktres sa movie, ay agad nang pumayag si Julia na magkaroon sila ng onscreen kiss kahit na magdyowa pa sila noon ng young actor. 

Inamin ito ni Julia na si Gerald ang kanyang first onscreen kiss.

Ang tanong ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, bakit hindi sila nagkaroon ng onscreen kiss sa sunud-sunod nilang pelikula that time? 

Nang banggitin ni Joshua si Janella (Salvador), ay binanggit naman ni Julia si Gerald kaya biglang napa-“uughhh” ang actor sabay hawak sa kanyang dibdib. Nasabihan tuloy siya ni Julia ng “Siraulo ka talaga!”

Tuwang-tuwa ang JoshLia fans sa paghaharutan ng dalawa. 

Sey ng mga fans, “They’re so cute. Lakas ng chemistry pa rin.”

“Kinikilig pa rin ako sa kanila.”

“Si Joshua talaga ang nagdadala ng pairing nila. At least, si Julia ay tutulong sa pag-promote nito. Tama?”

“Walang pairing na nagwo-work kung isa lang ang nagdadala. Kung dinadala lang ni Joshua ang love team na ito, then it could have been any other actress and it would work the same way.”

“Kissing scene agad kay Joshua kasi sa dami ng movies, zero.”

“Baka off screen si Joshua at other guy ang first kiss.”

“Love at first kiss ang JuRald, cute!”

“They look good together. Ganu’n talaga, it's magic for some love teams.”

“Ang cute nila. Pero parang genuinely nasaktan ang ego ni Joshua du’n, haha.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page