top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Si Gabby lang ang binati… KC, 2 YRS. NANG DEDMA KAY KIKO SA FATHER'S DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 18, 2024



Showbiz Photo


Binati ni KC Concepcion ang kanyang amang si Gabby Concepcion nu’ng Father’s Day via her Instagram (IG) post kahapon.


Mukhang late nag-post si KC sa kanyang IG account ng pagbati kay Gabby. Hindi kaya nasa ibang bansa ulit si KC kaya late ang pagbati niya sa ama nitong Father's Day?


Anyway, tatlong pictures ni KC kasama si Gabby ang ishinare niya sa kanyang IG. Dalawa rito ay nu’ng bata pa siya at si Gabby naman ay nasa kanyang early 20s pa lang.

Mensahe ni KC, “Happy Father’s Day to you Papa. Te quiero muchooo (I love you so much). @concepciongabby.”


Wala naman kaming nakitang reply ni Gabby sa pagbati sa kanya ni KC. Busy pa siguro sa pag-i-scuba diving ang aktor kaya ‘di makapag-comment sa IG post ng panganay na anak.


Sa pagkakatanda namin, binati rin ni KC si Gabby nu’ng Father’s Day last year at nag-reply naman ang dating matinee idol.


At gaya nu’ng isang taon, wala kaming nakitang post na binati ni KC ang kanyang stepfather or Daddy F, dati niyang tawag kay former Senator Kiko Pangilinan.


In fairness kay KC, hindi lang naman siya ang nakita namin na ‘di nag-post sa socmed (social media) ng pagbati kay Kiko nu’ng Father’s Day. Maging ang mga anak ni Kiko kay Sharon Cuneta (and even si Mega) na sina Miel at Frankie ay ‘di namin nakita na bumati sa kanya sa socmed last Sunday.


Although, may ipinost si Frankie sa kanyang IG nu’ng Father’s Day na photos ni Kiko noon at ngayon at isa sa series of photos ni Frankie nu’ng bata pa siya ay karga siya ng daddy niya habang nasa swimming pool sila.


Walang "Happy Father’s Day" greetings si Kakie (Frankie's nickname) but instead, simpleng “daddeh ko” ang inilagay niyang caption sa post.


Habang si former Senator Kiko ay may post sa kanyang IG ng mala-pa-tribute sa kanyang yumaong ama na si Donato Pangilinan.


Sey ni Kiko sa kanyang IG post, “Happy Father’s Day in heaven, Dad! You did the nearly impossible by being such a present Father to us 9 siblings. I only have 4 kids so I remain in awe with how you did all that you did and made us all feel and see and witness how present you were in the lives of all your kids. I am the father that I am today by your example. I miss you and I love you dearly, Dad!”


So, there.



Ipinagsigawang buo ang bayad… 

AGOT, TUMALAK SA SOCMED SA BANGKONG

NAG-CHARGE NG INTERES SA CREDIT CARD NIYA



Photo: Agot Isidro


KINOL-OUT ng aktres na si Agot Isidro ang bangko ng kanyang credit card sa X (dating Twitter) kahapon.


Inalmahan ni Agot ang pagtsa-charge ng bangko sa kanya ng interes kahit nakabayad na siya.


Post ni Agot sa X, “Hello, @(name ng bank). Re. Credit card. I have been charged interest even if I pay full every month. This never happened with Citibank before. Why po?”


May sumunod pa na mensahe si Agot para sa bank ng kanyang credit card.


“I did go through filing an inquiry via app because I didn’t want to bring it here, but...,” sey pa ni Agot.


Agad namang nagpadala ng mensahe ang bangko sa reply section ng post ng aktres sa X. Humingi ng apology ang bangko kay Agot at hiniling na magpadala ang aktres ng mensahe sa bangko via DM para raw “They can properly review the charges.”


Nag-react tuloy negatively ang mga netizens sa bangko at sey nila…“Uy, ang bilis sumagot sa celeb. ‘Yung e-mail ko, 2 months na, wala pa ring sumasagot. Baka naman.”


“Ako rin po, hahaha! Halos buwan-buwan ako nag-i-e-mail pero walang nasagot. Ordinary customer lang kasi (sad emoji).”


“Siyempre, celebrity si Agot. Mas malaki ang risk nila for reputational damage kasi malawak (ang) reach ng followers ni Agot compared to an “ordinary” customer.”

True!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page