Si David ang gusto… DERRICK, GAME SA KAPWA LALAKI KAPALIT NG P200 K
- BULGAR

- 14 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 6, 2026

Photo: File / Derrick Monasterio
May ilang humahamon kay Derrick Monasterio kung kaya niyang magpaka-daring at tumanggap ng BL (boys’ love) project.
Maraming aktor na ang gumagawa nito at tanggap na ng publiko, pero may ilang mga moviegoers na nagsasabing ang dapat gumanap sa BL movie ay mga aktor na macho ang imahe.
Isa na nga rito si Derrick na nag-react at nagbigay ng pahayag na game raw siya sa BL project kung si David Licauco ang kanyang makakapareha, at kung ang talent fee (TF) na ibibigay sa kanya ay P200,000 per shooting day.
Well, may producer kaya na susugal sa kondisyon ng aktor? At pumayag naman kaya ang girlfriend niyang si Elle Villanueva?
NAKATAGPO na nga ba si Paul Salas ng ipapalit sa ex-girlfriend niyang si Mikee Quintos? May bago na ba siyang ‘apple of the eye’ ngayon?
Sa set ng Stars on the Floor (SOTF), madalas biruin at tuksuhin si Paul sa P-pop girl group KAIA member na si Sophia Mercado na isa sa mga contestants. Obvious daw na attracted si Paul kay Sophia, at nakikita ng lahat ang kakaibang spark at kilig nito kapag nakikita o nakakausap niya ito.
Mismong ang host ng show na si Alden Richards ang nagsabing hindi matatapos ang Season 2 ng SOTF nang walang mabubuong romantic love team sa mga contestants.
Single naman ngayon ang aktor dahil matagal na silang break ni Mikee Quintos. Inamin mismo ito ng aktres nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Tinapos nila ang relasyon na tumagal nang mahigit dalawang taon.
Deserve na ni Paul Salas na muling umibig at lumigaya sa sinumang babae na darating sa kanyang buhay. Naka-move on na rin ang aktres sa kanilang breakup at ngayon ay naka-focus ito sa career.
HAMON para kina Rhian Ramos at Glaiza de Castro ang pagpayag nilang tanggapin ang GL (girls’ love) movie na I Fell, It’s Fine (IFIF) na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.
Daring kung tutuusin ang kanilang desisyon dahil hindi pa ganap na tanggap ng lipunan ang ganitong relasyon. Ilan pa lang ang nag-open-up na involved sa GL relationship, tulad nina Klea Pineda at Janella Salvador. Pero dahil babae ang direktor ng IFIF, cute at walang malisya ang lambingan at kissing scenes nina Rhian at Glaiza sa movie.
Ayon kay Glaiza, sa puntong ito ng kanyang career, panahon na rin na makita ng publiko na puwede rin siyang magpaka-daring sa role na kanyang ginagampanan. Hindi na siya nakakahon lang sa pagiging kontrabida, at matatanggap na ng mga moviegoers ang pagbabagong ito sa mga projects niya.
TAMA lang ang desisyon ng Sparkle star na si Caprice Cayetano na maging solo star muna at hindi dumepende sa ka-love team sa pagsisimula ng kanyang showbiz career.
Ibini-build-up sana sila ni Heath Jornales bilang love team dahil may mga fans at supporters na sila. May chemistry kasi sila at marami talaga ang kinikilig sa kanilang tambalan.
Ganunpaman, pakiramdam ni Caprice na mas magiging magaan para sa kanya ang maging solo artist habang nagsisimula pa lamang sa showbiz. Hindi siya mai-stuck sa pagkakaroon ng screen partner, puwede siyang tumanggap ng kahit anong role, at puwede rin siyang tumambal kahit kaninong aktor.
Tinanggap naman ni Heath Jornales ang desisyong ito ng aktres. Kahit na sana gusto niyang mas makilala pa nang husto si Caprice Cayetano at magkalapit sila nang matindi, inirerespeto niya ang anumang landas na nais tahakin nito para sa kanyang career.
Sa ngayon, pareho na lamang silang magsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.




Comments