top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Show sa US, tinanggihan… WILLIE, NALALAOS NA, NAGMAMALAKI PA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 30, 2023




Labis na ikinalungkot ng mga fans abroad ni Willie Revillame ang balitang hindi na matutuloy ang USA tour ng Wowowin.


Nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Willie at Viva chairman Vic del Rosario dahil 'di pumayag ang TV host sa 20% na komisyon at 20% na marketing and promotion fee na mapupunta sa Viva para sa nasabing show.


Kaya naman, hindi na rin natuloy ang pagpirma ng kontrata ni Willie sa Viva Entertainment.


Samantala, magkakaiba ang reaksiyon ng publiko nang malamang hindi na matutuloy pa ang US tour ni Willie.


Para sa mga fans and supporters ng TV host, medyo lugi at agrabyado si Willie kung kakaltasan ng Viva Entertainment ng 40% ang commission nito sa naturang US tour.


Si Willie raw ang mapapagod na mag-show sa mga kababayan nating Pinoy na nasa Amerika.


Okay lang daw sana kung 20% lang ang ikakaltas sa talent fee o TF niya.


May ilang netizens naman ang nag-comment, nag-post at nagpayo sa TV host sa social media na dapat ay tinanggap na nito ang offer at condition ng Viva. After all, hindi naman kapos sa pera si Willie at marami na rin siyang properties at negosyo na naipundar.


Baka tuluyan nang makalimutan ng tao si Willie kapag hindi na siya nakikita at napapanood sa telebisyon, kaya mas kailangan niya ngayon ng exposure.


Well, kahit gaano pa man kayaman at kasikat si Willie ay kailangan pa rin niyang matuto na mag-adjust at mag-compromise.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page