top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Show sa Tate, nakansela… POKWANG AT K BROSAS, 'DI BINAYARAN, TINAKBUHAN NG PRODUCER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 4, 2023




Nilinaw ng LX2 Entertainment ang kumalat na balita sa social media na nag-iyakan at nakituloy sina Pokwang at K Brosas sa bahay ng isang Pinoy sa US pagkatapos ma-cancel ang show nila titled BFF Live in Las Vegas noong Linggo (April 2) sa Amerika.


Ang LX2 Entertainment ay isang global entertainment company na nagdadala ng mga artists abroad for a series of shows gaya nina Pokwang at K.


Pinalagan ng LX2 Entertainment CEO (Chief Executive Officer) na si Loie Magan ang balitang kumalat na nag-iyakan at nakituloy sa isang bahay ng Pinay ang dalawang komedyana pagkatapos ma-cancel ang kanilang show sa Vegas. Wala raw itong katotohanan.


From the US ay nakatanggap kami ng tawag mula kay Loie kahapon nang tanghali para linawin ang kumakalat na maling impormasyon tungkol sa producer ng show nina Pokwang at K sa Las Vegas na si Vince Gesmundo ng Vynz Muzik LLC.


Sa katunayan, naka-stay sa Treasure Island Hotel sa Las Vegas sina Pokwang at K habang kausap namin ang LX2 Entertainment top executive.


Sey nina Pokwang at K sa ipinadalang mensahe sa amin sa Facebook Messenger, "Hindi, Ate. We are all fine here staying at Treasure Island Hotel."


Sa naturang hotel na raw tumuloy ang mga komedyana pagkatapos ng kanilang successful concert na BFF Live sa Chicago kung saan producer din si Vince.


Sa Chicago pa lang ay muntik nang hindi nakapag-perform sina Pokwang at K for their concert.


Wala rin kasing naibigay na kabayaran si Vince para sa dalawang performers.


Nakiusap na lamang ang line producer ng concert nina Pokwang at K sa Chicago na abonohan muna ang US$6,000 at nangakong isusunod na lamang ni Vince ang kakulangan pa na payment worth US$13,000.



But sad to say, wala pa ring naibigay si Vince na payment kaya naman nang tumulak na patungong Las Vegas ang grupo, nagsabi na ang LX2 Entertainment na ibigay muna ang payment ng mga artists bago sila mag-perform.


Sadly, wala pa rin daw ibinigay na TF ang producer until the last hours before the show at never daw nagpakita nang personal ang nasabing producer sa LX2 Entertainment.


Although, may mga naibenta namang tickets for the show.


Sey ni Ms. Loie, "We need to protect our artists. Although, they really wanted to perform para sa mga kababayaan natin doon."


Maraming Pinoy daw ang bumili ng tiket para makita at mapanood sina Pokwang at K. May ibang Pinoy din daw ang may dala pang regalo para sa mga komedyana.


Wala rin daw katotohanan na nag-iyakan ang grupo nina Pokwang at K sa pagkansela ng kanilang show sa Las Vegas.


Tinanong namin sina Pokwang at K via PM (private message) if the rumors are true, ang sagot nila, "Hindi kami umiyak. Worried kami sa mga bumili ng tickets."


Naawa ang dalawa sa mga kababayang Pinoy na bumili ng ticket para panoorin sila sa Las Vegas.


Alam kasi nila na hard-earned money iyon ng ating mga kababayan at alam din nila kung gaano kahirap kumita ng pera sa ibang bansa.


Sa ngayon ay nagpaplanong ihabla ng LX2 Entertainment si Vince. Bilang proteksiyon na rin hindi lang sa mga artists nila kundi pati na rin sa iba pang mga Pinoy entertainers na kinukuhang mag-perform sa US.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page