Show sa AllTV, puro replay… IBINUKING NI CRISTY: WILLIE, WALA NANG GANANG MAGTRABAHO
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 26, 2023

Nasaan na si Willie Revillame?
Ito ang tanong ng mga sumusubaybay sa programa niyang Wowowin na parating replay.
Kaya naman si Nanay Cristy Fermin ang tinatanong tungkol sa Wowowin host, base sa kuwento niya sa Showbiz Now Na YouTube channel nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload nitong Biyernes.
Bungad ni ‘Nay Cristy, “Ang dami pong nagtatanong sa amin kung nasaan na si Kuya Wil bakit laging replay ang Wowowin? Ano po ba ang nangyayari sa kanya? Ang daming nagsasabi sa atin, one time, nasa yate siya, bumiyahe sa Olongapo? Noong one time naman, nandoon daw sa Mindoro, sa kanyang bahay. Hindi po namin alam kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.
“Basta’t ang alam ko lang ay siguro nga, kinausap na siya ng AMBS2 (Advanced Media Broadcasting System 2). At may source po kami na nagsabi na may sumagot na raw sa kanyang tawag.”
Matatandaang ito ang dahilan ni Willie na wala siyang alam sa pagpapahinto sa mga programa sa AllTV, dahil wala namang nagsasabi sa kanya at hindi rin siya sinasagot kapag tumatawag siya.
Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Oo, sinagot na raw siya ng tagapamuno ng AllTV pero ang sagot sa kanya, ‘Babalikan ka namin.’
“‘Di ba, walang kasiguruhan ‘yung (sinabing) babalikan ka namin? Para kang nag-a-apply sa trabaho, ‘di ba? ‘Don’t call us, will call you.”
Say naman ni Romel Chika, “‘Pag ganu’n, ‘Nay, ang sagot, parang ‘wag ka nang umasa, ‘di ba?”
“Iyon din ang dahilan siguro kung bakit nawalan na siya ng entusiyasmo sa pagtatrabaho, ‘di ba?
Baka iyon?” opinyon ng beteranang host at manunulat.
“Saka, baka talagang nalulunod na siya sa problema,” sambit ni Romel Chika.
Sa sinasabing nalulunod sa problema si Willie, isa kaya sa mga dahilan ang gusot nila ni ‘Nay Cristy, kung saan isinumbat ng TV host ang mga ibinigay niya?
Magulo kaya ang isip ngayon ni Wil dahil maraming nagalit sa kanya?
Nasabi pa na panghihinayang marahil ang nararamdaman ng mga sumusubaybay kay Willie dahil maganda ang kinalalagyan niya noon sa GMA-7, pero iniwan niya para sa AMBS dahil tumatanaw daw siya ng utang na loob.
Kaya ang tanong ay kailan babalikan si Willie ng kausap niyang taga-AMBS dahil nga naka-hold ang mga programang umeere sa AllTV?





Comments