SHOW NI TONI AT M.O.M. NINA MARIEL, CIARA AT RUFFA, BINOBOYKOT NG MGA KAPWA CELEBS
- BULGAR
- Feb 4, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 4, 2023

Ilang araw nang ibinabalita nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa radio program nilang Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 News FM at sa Showbiz Now Na YouTube Channel kasama si Wendell Alvarez na nahihirapan ang mga programa ng AllTV na pag-aari ng Advanced Media Broadcasting System na makakuha ng ige-guest.
Ito rin ang nabanggit nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Dyosa Pockoh, Ate Mrena at Tita Jegs sa Showbiz Update vlog nila na hirap na hirap makapag-guest ng mga celebrities o personalidad sa programang Toni ni Toni Gonzaga-Soriano at M.O.M. (Mhies On a Mission) nina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Ruffa Gutierrez.
Ayon kina ‘Nay Cristy at Ogie na binanggit nila sa kani-kanilang online shows ay ang pagkakaiba ng paniniwala ng mga iniimbitahang personalidad ang dahilan kung bakit hindi sila nagge-guest sa mga nabanggit na shows.
Aminin o hindi ay may kinalaman pa rin sa pulitika ang dahilan kung bakit tinatanggihan ang Toni at M.O.M. shows.
May nakausap naman kaming insider sa AllTV, “Hindi pa kasi talaga ready ang AllTV, napilitan lang sila sa soft launch nila last September. Hindi nga ready ‘yung mga studio sa Mandaluyong.”
Ang binabanggit na studio sa Mandaluyong ay ‘yung dating Starmall sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard.
Sabi pa ng aming kausap, “Si Willie (Revillame) kasi ang may gustong mag-launch na para aware ang publiko.”
Sinang-ayunan din ng aming source ang balita nina ‘Nay Cristy at Ogie na walang gustong mag-guest sa mga programang Toni at M.O.M.
“Okay naman ‘yung show ng M.O.M. but since it was aired sa AllTV, siyempre, may factor pa rin na ‘yung frequency, pag-aari dati ng ABS-CBN na napunta naman sa AMBS,” say naman ng source namin.
Dagdag pa, “‘Yung kay Toni, obvious naman ‘di ba kung bakit wala? ‘Yung mga taga-ABS (CBN), siyempre hindi, tapos ‘yung iba naman, may politics eme-eme.”
Samantala, hiningan namin ng reaksiyon si Mariel Rodriguez-Padilla bilang isa sa mga hosts ng M.O.M. sa balitang mawawala na ito sa ere.
“Hello, nooooooooo! Hindi. We have lots of exciting things happening (emoji smiling face with heart eyes),” mensahe sa amin ni Mariel through Instagram.
Sabagay, maraming puwedeng maging topic ang M.O.M. kahit wala silang guests dahil silang tatlong hosts pa lang ay marami nang maise-share sa mga viewers nila.
Pero knowing the three ladies, Mariel Ciara at Ruffa, they are friends with everybody kaya for sure, may mahahatak silang mag-guest sa show nila.
Si Toni kasi, limitado yata ang mga naging friends niya noong nasa ABS-CBN siya. Parang sina Mariel at Bianca Gonzalez-Intalan lang ang malalapit sa kanya at ilang production staff ng network.
Nakakahinayang din naman. Gusto namin si Toni as a host talaga, kaya lang, mas napapanood namin ang Toni Talks kesa sa show niya sa AllTV.





Comments