top of page
Search
  • BULGAR

Show nag-flop daw, nag-away… OSANG, GUSTO NANG MAKABATI SI AI AI

ni Julie Bonifacio @Winner | April 28, 2024




IBINULGAR na ni Rosanna Roces ang tunay na dahilan ng matagal na nilang alitan ni Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas pagkatapos ng mahigit dalawang dekada. 

Pahayag ni Osang sa isang panayam, “Kasi ‘yung pinagsamahan namin noon, totoo, eh. Sobrang saya, sobrang nakakatawa. Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan. Kalakasan naming mag-show noon. Before ‘yung show namin, nag-show siya with Ara Mina. So, nag-flop ‘yun nang husto.”Diretsahan niyang sinabi na pinanghinayangan niya ang friendship nila ni Ai Ai.

Naging close friends sina Ai Ai at Osang pagkatapos nilang magkasama sa isang sitcom na 143 sa GMA-7 noon kasama si Vic Sotto, hanggang sa nagkakasama na sila sa mga concerts at shows kung saan-saan. 

At sa pagkakatanda namin, si Osang ang dahilan kaya lumayas ng GMA-7 si Ai Ai. Namamayagpag kasi si Osang sa Kapuso Network that time.

Para kay Osang, handa siyang batiin si Ai Ai kapag nagkaroon ng chance na magkita sila. Matagal na panahon na rin daw ‘yun at gaya ng kasabihan sa Ingles, “Time heals all wounds.”

Kaya noong nakasama raw ni Osang ang panganay na anak ni Ai Ai na si Sancho sa FPJ’s Ang Probinsyano, agad niyang kinumusta rito ang dating kaibigan.

Wish pa ni Osang ay makasama at makatrabaho niyang muli si Ai Ai, and hopefully, ang mahusay na theater director na si Floy Quintos ang magdirek sa kanilang dalawa.

Sad to say, ‘di na ‘yun mangyayari dahil pumanaw na kamakailan ang batikang direktor. Kaya, nagluluksang muli ang entertainment industry.

But as for Osang and Ai Ai, hoping magkasama na ulit sila sa mga proyekto. Tiyak na super hit ito kapag nagkasama silang muli na mag-concert lalo na sa Amerika. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page