top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Shopping to the max kasama si Arjo… MAINE, TODO-DISPLEY NG CHANEL AT HERMES BAGS NIYA SA PARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 10, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 10, 2022



Ang dami palang photos nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza na magkasama sa bakasyon nila sa Paris, hindi lang nila ipino-post sa kani-kanyang Instagram. Sa ibang IG pa namin nakita ang mga larawan nila na may kuha sa isang apartment, mayroong nagdi-dinner sila with their friends, merong namamasyal at merong nagsa-shopping sila.


Curious kami kung may magsasabi pa rin bang edited ang mga larawan ng engaged couple.


'Yung photo nila in front of Arc de Triomphe ang isa sa pinaka-sweet nilang photo sa Paris.


Comment nga ng isang ArMaine fan, nilalanggam sila sa ka-sweet-an.


Madalas, ang ipino-post ni Maine ay solo photo lang niya, gaya noong nasa harap siya ng iconic shop na Chanel 31 Rue Cambon sa Paris. Sa picture, makikitang may black Chanel backpack siya.



Sabi ni Maine, “I can’t believe I am finally at 31 Rue Cambon... Coco’s apartment sits atop of this boutique!!!!!”


Hindi lang nag-picture taking si Maine sa harap ng boutique, nag-shopping din siya at makikitang may bitbit siyang Chanel shopping bag.


Kung papansinin, karamihan sa mga bags na gamit ni Maine sa bakasyon nila ni Arjo sa Europe ay Chanel. Ibig sabihin, favorite niya ang Chanel, pero nakita rin siyang Hermes naman ang gamit na bag sa pamamasyal.


Ang sabi, pabalik na ng bansa sina Arjo at Maine at sa mga nagdududa pa ring umalis ng 'Pinas ang dalawa at nagbakasyon, mas mabuting abangan sila sa airport mula ngayon hanggang sa kanilang pagbabalik, para lang makumpirmang umalis nga sila at wala sa Pilipinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page