top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SHOPEE, BINOYKOT NG MGA KAKAMPINK DAHIL KAY TONI

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 1, 2022



Maraming may Shopee account ang nag-delete at in-uninstall ang Shopee app sa kanilang phone nang malamang si Toni Gonzaga ang newest endorser nito.


Karamihan sa mga nag-delete ng Shopee account ay Kakampink dahil nga supporter ni President Bongbong Marcos si Toni.


Isa ang actor na si Jaime Fabregas na agad nag-tweet ng “I have deleted my Shopee account.


Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos, pero ngayon, nagkaroon ng mas malalim na dahilan,” na of course, ang tinutukoy ay si Toni.


May mga nakiusap naman sa mga nag-delete ng kanilang Shopee account at sasali sa cancel culture na sana, naisip nilang kabilang sa mga maaapektuhan ay ang Kakampink sellers. Active ang balitaktakan sa puntong ito.


May mga nagsabi namang lilipat na sila sa Lazada, pero paano kung kunin naman nito si Andrew E. na dagdag-endorser nila? May nakita nga kaming ginawa ng isang netizen na kunwari, promo ng pagiging endorser ni Andrew E. ng Lazada at sobrang nakakaaliw ang mga comments.


Basta si Direk Paul Soriano, nag-congratulate kay Toni via Twitter at ang sabi, “Congrats #ToniGonzaga and thank you @ShopeePH.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page