top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Shooting incident sa school, ‘wag isisi sa laro… ROMNICK: 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKTANG TAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | August 23, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKTANG TAO_Janiz Navida

Photo: FB / Janiz Navida



Present sa ginanap na advance screening-talkback session ng Drug War: A Conspiracy of Silence ang magaling na aktor na si Romnick Sarmenta na gumaganap na tatay ni Harvey Bautista sa istorya.


Natanong namin si Romnick sa Q&A kung paano nabuksan ang isip at puso niya ng kuwento at sa nangyayari ngayong shooting incidents na mga kabataan ang involved, may suggestion ba siya sa gobyerno lalo't may mga naniniwalang may sangkot ding isyu ng droga at hindi lang mga bayolenteng laro online ang dahilan ng pagiging bayolente ng ilang kabataan.


Pahayag ni Romnick, “Madali ring sabihin, kasalanan ng magulang. Puwede nga nating sabihin, kasalanan ng video games. Pero 54-anyos na po ako, nagbi-video game pa rin ako, wala pa akong sinasaktang tao, ‘di ba?” 


Maraming factors daw ang maaaring pag-ugatan ng ganitong mga insidente at mahalagang matukoy muna ang tunay na problemang dapat tugunan.


“I mean, ‘yung context, maraming bagay na puwedeng sabihin. And until ma-figure out natin kung ano ‘yung dapat talaga nating i-address at paano s’ya ia-address nang tama, ‘di ‘yung band-aid solution,” ani Romnick.


Aniya pa, “‘Di ‘yung tataasan natin ng ganito, babawalan natin ng ganito. ‘Di ‘yun ang solusyon. Ang solusyon, tinuruan ba natin sila from the very beginning? At ginagawa ba natin ‘yung tama para sa kanila?” Tinanong nga rin namin siya sa one-on-one interview kung natukso rin ba siyang mag-drugs nu'ng kabataan niya.


Sagot nito, “Hindi, eh, kasi naniniwala akong ikamamatay ko ‘yun, eh.”

Hindi raw siya ganu'n katibay para paglabanan ang tukso sakaling sinubukan niyang gumamit ng illegal drugs kaya okay na raw sa kanya ang nag-iisang bisyo niya – ang yosi.


Oh well, at least may disiplina siya at malinaw sa kanya ang mga puwedeng mangyari kung sumubok siyang magdroga.





Pinalakpakan ng mga press, vloggers, lawyers at mga kabataang nanood sa advance screening ng 4th episode ng Drug War: A Conspiracy of Silence last Wednesday night ang mga pasabog na eksena nina Harvey Bautista at John Arcilla sa 6-part socio-political action-drama series ng Rein Entertainment.


Hooked na hooked talaga ang lahat at sabi nga, bato na lang ang puso mo kung ‘di ka makaka-relate sa pinagdaanan ng mga karakter nila bilang anak na nawalan ng magulang (Harvey) at magulang na nawalan ng anak (John) dahil sa usapin ng droga.


Highlight sa 4th episode ang parehong eksena nina Harvey at John na hindi na namin iispluk, watch n'yo na lang sa Rein Entertainment YouTube Channel para maintindihan n'yo kung bakit dapat panoorin at hindi dapat palagpasin ang kuwento ng Drug War na idinirek ni Shugo Praico at isinulat ni Philip King na writer din ng Bagman.


Napakatapang ng kuwento at hindi na kami magugulat kung may mga authorities at pulitikong magre-react dahil natamaan sa mga eksena. 


Pero sabi nga ni Direk Shugo, ‘yun naman talaga ang purpose nila kung bakit sa

YouTube at hindi sa cinemas o ibang platform nila ipinapalabas ngayon ang Drug War: A Conspiracy of Silence, gusto nilang mag-spark ng conversation at interaction para maging aware ang mga Pinoy hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa sa reyalidad, lalo na sa issue ng drug war nu'ng panahon ni FPRRD.


Every Thursday night ang labas ng new episode ng Drug War sa Rein Entertainment YouTube Channel kaya bukod sa first 4 episodes na puwede pang mabalikan ng mga hindi pa nakakapanood, may 2 upcoming episodes pa na dapat abangan.


Bida sa Drug War si Ian Veneracion na gumaganap na pari at bukod kina Harvey at John, kasama rin sa cast sina Jane Oineza, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Lotlot de Leon, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, Gabbi Garcia, Art Acuña at marami pang iba.





Kahit ‘di na lockdown at may trabaho na…

GUWAPONG AKTOR NA ANAK NG AKTOR-PULITIKO, PAHADA SA BADING FOR P30K





BLIND ITEM:


KUNG may “Boy Pickup”, kilala naman ang guwapong aktor na magaling umarte sa pagiging “Boy P30K”.


Nope, hindi dahil ito ang talent fee niya sa serye o movie kundi ito ang asking fee niya sa mga matrona at bading na gusto siyang mahada.


‘Pag may client siyang bading, P30K agad ang hirit niya, mas mataas sa P10-P20 K niyang talent fee per guesting sa mga TV shows.


Well, marami na rin namang nagawang movies ang guwapong aktor, kaya lang, baka nu'ng panahon na lockdown, wala siyang raket kaya ‘yun ang naging source of income niya.


Ang ipinagtataka namin, sa guwapong ‘yan ng aktor na may pangalan na rin naman, bukod sa anak pa siya ng aktor din na minsang naging pulitiko, kahit P100K ay kaya niyang mag-demand, ha?


Hindi kaya bagsak-presyo ang aktor para mas mabilis siyang makakuha ng raket for “emergency situation” na badly in need siya?

Puwede! Gooo!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page