Shocking talaga!... MALE ARTIST NA NI-RAPE NG MGA MISMONG UTOL, UMAMIN KAY BOY
- BULGAR

- Mar 13, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | March 13, 2021

Mukhang pinasok na rin ng King of Talk na si Boy Abunda ang pagnenegosyo. At napakawais talaga ni Kuya Boy dahil ang napili niya ay ang pagbebenta ng bigas.
Makikita sa Instagram account ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang ipinadala sa kanyang bigas ni Kuya Boy with matching Ultra Fit Coffee at ang personalized card.
Caption ni Ai Ai: "Ama @boyabundaofficial congrats sa business mo.. labyu... sa mga gusto ng bigas republika, available sya sa @snr_official and @puregold_ph."
Ang name ng bigasan ni Kuya Boy ay tinawag niyang Bigas Pilipinas. And what made his rice business more special ay ang piktyur nilang magkayakap ng kanyang yumaong ina na si Nanay Lesing Romerica-Abunda sa labas ng sako ng bigas.
Huwag nang magulat kung sa susunod, pati ang pagnenegosyo ng gulay ay pasukin na rin ng King of Talk. Kung napapanood ninyo ang vlogs niya sa kanyang YouTube channel, ang The Boy Abunda Talk, mai-impress kayo sa mga tanim na gulay ni Kuya Boy sa kanyang farm sa Lipa City, Batangas.
Nakakaaliw kaya silang panoorin ng long-time partner niyang si Sir Bong Quintana kapag ipinapakita ang kanilang Lipa farm lalo na 'yung vlog na magtatanim ng halaman si Kuya Boy.
Bukod sa Lipa farm nila, may vlog din sila sa kanilang bahay sa Tagaytay na tinawag nilang 'House of Mirror.'
Super-humataw din ng views ang interview ni Kuya Boy sa dalawang panig ng Christine Dacera case.
Nakakaintriga rin ang interview ni Kuya Boy sa isang male artist na umaming ni-rape siya ng mismong mga kapatid niyang lalaki when he was young sa kanyang one-of-a-kind tell-all video na may pamagat na The Blackout Convo, A Boy's Story.
At siyempre, ang pasabog na one-on-one interview niya kay Gerald Anderson recently.
Sa mga gustong mapanood ang mga nabanggit namin, hanapin lang sa YouTube ang The Boy Abunda Talk Channel.





Comments