top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Shocked sa gagawin... SANYA, TOPLESS SA BAGONG SERYE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 15, 2022




“Sobrang sexy, nagulat din ako. 'Sigurado na po ba ‘to?’ Sabi kong ganu'n talaga sa kanila.


Pero siyempre, abangan din natin ‘yung costume nila rito kung ano ba ‘yung bagong character for them,” ang naging reaksiyon ni Sanya Lopez nang malamang topless ang costume niya bilang legendary warrior princess na si Urduja sa Princess Urduja na "mega serye" ang tawag ng GMA-7.


Sa inilabas na script, topless nga si Urduja, pero dahil bawal sa free TV, hindi mangyayaring lalabas si Sanya nang ganu'n.


Nauna na ang arnis training nina Sanya, Gabbi Garcia, Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan, sumunod na ang script reading ng cast. Susunod na raw ang “look test” ng buong cast.


Si Sanya, bukod sa arnis training, kailangan ding mag-aral mangabayo.


“Hindi lang pagkakabayo ang mangyayari. Siyempre, 'andoon ang laban, 'andoon ang may mga hawak pa kaming iba na sandata. Kailangan namin ng time talaga na kasama namin ‘yung kabayong gagamitin namin sa mga eksena,” sabi nito.


Kabado at nape-pressure si Sanya, pero magandang pressure raw ang kanyang nararamdaman sa paghahanda sa mega serye.


Pero bago ang mega serye, mapapanood muna si Sanya at si Gabby Concepcion sa Christmas special ng Daig Kayo Ng Lola Ko na All By My Elf. Reunion ito nina Gabby at Sanya at inaabangan ng mga Kapuso fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page