Shocked na may ganu’ng side rin pala siya… BARBIE, INILABAS ANG PAGIGING WILD
- BULGAR

- 4 days ago
- 4 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | August 5, 2026

Photo: IG _barbaraforteza
Isang malutong at matapang na “F*ck no!” ang pinakawalang sagot ni Barbie Forteza nang tanungin ang cast ng Saving Cherry (SC) kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga cheaters.
Big “No” rin ang sagot nina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio at Sassa Gurl na gumaganap na mga kaibigan ni Barbie sa pelikulang mula sa Regal Entertainment na showing na sa September 2.
At si Khalil Ramos naman, na asawa ni Barbie sa movie at nag-cheat ay ganoon din ang paniniwala.
Sabi ng aktor, “I believe no, simply because it is impossible to restore the relationship after breaking the trust and respect.”
Karamihan sa mga katwiran nila, kung nagawa kang lokohin ng ka-partner mo, puwede pa ring maulit kahit binigyan na ng second chance.
Samantala, ibang-iba nga ang role ni Barbie sa movie na ikagugulat talaga ng mga fans niya dahil may pagka-wild ito.
“I play the role of Cherry. Ang role ko po rito ay I am the wildest virgin you would ever see. And you will find out why.
“She is the wildest woman I have ever portrayed to date. Wow! May susunod?” natatawang sagot ni Barbie.
Aniya pa, “S’ya ‘yung wildest and most freeing. Lahat ‘yun, ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan (Payawal) kasi, not just ‘yung role pero ‘yung freedom, parang approaching every scene.
“Binigyan n’ya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig s’ya sa amin. He is really a good captain. Thank you so much!”
Nagulat din si Barbie na kaya niyang magpaka-wild sa movie.
Kuwento ng Kapuso actress, “In-unleash ko lang ‘yung wild side ko. Hahaha!
“So, ‘di ko rin akalain na meron din akong ganu’ng side. Wild pero may dahilan, may lalim. So, parang ito ‘yung most mature role ko because we will tackle about marriage. Ito ‘yung role ko na kasal na ako agad-agad, umpisa pa lang. Marami talagang pagdaraanan ang pelikula.”
Labis din ang pasasalamat niya sa Regal sa pag-offer ng kakaibang project.
Sabi niya, “To Regal, comeback ko po ito, so thank you again, maraming-maraming salamat po.”
Nakasama pala si Barbie sa episode na Bangungot ng Shake, Rattle & Roll 9 (SRR9), na naging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2007. Ito rin ang first movie niya sa Regal. Gumanap siya bilang young Roxanne Guinoo. Ten years old pa lang siya noon at ngayon nga ay nagbabalik siya bilang bida ng SC.
Sobra raw siyang na-overwhelm nang i-offer ng Regal ang movie dahil sa ipinakitang treatment at sa kaseryosohan nilang maging bahagi siya ng project.
Kuwento niya, “So, du’n pa lang, convinced na ako. ‘Di ba, ‘pag ganu’n ang respeto at trato sa ‘yo na gusto kang makatrabaho, bakit ka naman hihindi?” saad niya.
“Tapos, nalaman ko pa na bagong materyal s’ya para sa akin.
“Actually, sinabi rin sa akin ni Gabbi Garcia dahil nag-message ako sa kanya. Sabi n’ya, ‘Nagulat nga rin ako na tinanggap mo ‘yan. Kakaiba talaga ‘yan para sa ‘yo. I’m very, very excited for you.’
“Sinabi ko nga sa kanya na magkakatrabaho kami ni Khalil Ramos sa project na ‘to.
“I’m excited for everyone to see it dahil sa ibang projects ko, palagi nilang sinasabi na ibang Barbie ang mapapanood. Pero ibang Barbie talaga ‘to. Nu’ng nabasa ko ‘yung script, sabi ko talaga, ‘Ah, okay, patung-patong kami. Okay, go!’”
Pahabol pa niya tungkol sa movie, “With Cherry, sabi ni Direk Ivan, ‘All-out comedy ‘to, Barbie. As in wild comedy, pero punumpuno ito ng puso.’
“So, ‘yun din ang ginawa ko, na kahit nagpapatawa ako, totoo ‘yung emosyon. Kahit na ang atake o ang scene objective is supposed to be funny, where I’m coming from emotionally should be real!”
Panigurado pa ni Barbie na magiging worth it ang panonood ng movie nila dahil lahat ng ginawa niya ay hindi puwedeng gawin sa TV.
Kasama rin sa cast sina Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at introducing si Than Perez.
NATUPAD nga ang birthday wish ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nag-celebrate ng kanyang ika-46 na kaarawan noong August 2.
Mas pinili nga nina Dong at Marian Rivera, na magbi-birthday naman sa August 12, na magbakasyon sa Amerika kasama sina Zia at Sixto at doon na nga mag-celebrate.
Sa kanyang Facebook (FB) post nitong August 3, makikita ang mga larawan, at ang isa ay kasama si Marian. Kuha ito sa TCL Chinese Theatre sa Hollywood, California.
Caption ng birthday boy: “Birthday wish granted.
“A rare movie date with my love. The Odyssey in IMAX 70mm at the Chinese Theatre in Hollywood.
“After months of nonstop work, this was exactly the breather I needed, made even more special by sharing it with her.
“And somewhere between the first frame and the last, I remembered why I fell in love with making movies in the first place.”
Nag-post din si Marian ng madamdaming mensahe na punumpuno ng pagmamahal at larawan ni Dingdong kasama ang dalawang anak.
Panimula sa birthday message ni Marian at ng dalawang anak, “Happy Birthday, Dada!
“Thank you for being the most loving husband and the most amazing father to our family. Watching you love, guide, and protect our children is one of the greatest blessings of my life.”
Dalangin pa ng aktres, “I pray that God continues to bless you with good health, happiness, wisdom, and strength. May all the dreams in your heart come true, and may you always feel how deeply you are loved—not just today, but every single day.
“We are so grateful for you. Thank you for being our safe place. We love you beyond words.
“Happy Birthday, Dada! Here’s to more beautiful memories together.”
Samantala, ang pelikulang Remember ng mag-asawa, na kinunan pa sa Canada at balitang sa November 11 na ang showing nationwide ay inaabangan na nga ng mga DongYan (Dong at Marian) fanatics.





Comments